Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lani Mercado Lipa

Lani Mercado na-enjoy pagbabalik-Lipa, naghanap ng sumang puti  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TAAL na taga-Batangas pala si Lani Mercado. Ang pamilya niya ay taga- Ludlod, Lipa City at kamag-anak niya ang mga Rodelas, Garcia, Maralit, Linggao.

Nalaman namin ito nang maimbitahan siya bilang isa sa special guest sa isinagawang Mutya ng Lipa 2025 Coronation Night at Rigodon na ipinakilala ang Mutya ng Lipa, si Dana Annika Ku Wong.

Ani Lani, home coming ang pagbabalik niya sa Lipa na ang huling pagpunta roon ay nang gawin ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Naaalala ko pa a few years back, mayor pa noon si Ate Vi (Vilma Santos), not just once but twice nakapag-Rigodon na rin ako rito sa plaza. Ang aking tita na may-ari ng Lipa City Colleges, Tita Glecy Mojares, na ang mayor pa noon ay si Mayor Umals. Kaya masasabi  ko na tuwing kapistahan hindi makokompleto ang aking taon na hindi dadalaw ang aming pamilya rito sa Lipa.

“Kaya ang aming pamilya ay napakalapit sa puso ng inyong lingkod,” turan pa ni Cong Lani ng Cavite.

“Isa rin po itong pasasalamat katulad ko na nadagit ng isang Caviteno sa katauhan ni Sen. Bong Revilla na alam po natin na isang senador na dating kasama ni Sen. Ralph Recto sa senado na naglilingkod din doon. Ako’y napaibig ng isang Caviteno at for around 38 years kami po ay nagsasama sa hirap at ginhawa. Parang samahan din lang po iyan ng Batangas at Cavite.”

Marami pang kuwento si Cong Lani at natawa kami nang bago kami magtungo sa plaza ay naghanap ito ng cravings niyang pagkain, iyong sumang puti. Kaya naman agad humanap si Joel Umali Pena, producer at artistic consultant ng San Sebastian: Isang Musical na itinanghal sa pag-uumpisa ng kapistahan ng Lipa at kaibigan ng aktres/politiko. At nang makakain ganoon na lamang ang kasiyahan ni Cong Lani.

Nagpapasalamat si Cong Lani na naimbitahan siya sa Rigodon na taon-taon ding ginagawa sa kapistahan sa Lipa. 

Bukod sa Rigodon, nagkaroon din ng Payabangan Nights noong Linggo ng gabi at Lunes ng umaga ay isinagawa ang Grand Float Parade na maraming artista ang pumarada. Nariyan sina Luis Manzano, kasama ang asawang si Jessy Mendiola at ang kapatid na si Ryan Christian Santos Recto, ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada, Ronnie Liang, Queenay at marami pang iba.

Nagkaroon din ng Celebrity Basketball Exhibition Game na dinaluhan ng mga artistang tulad nina Jeric Gonzales, Jayson Gainza, Marvin Diamante, Archie Alemania, Pekto, Savior Ramos at iba pa,

At pagdating ng gabi, isang Big Night Concert ang isinagawa tampok sina KZ Tandingan at Jimmy Bondoc. Isinagawa rin ang Grand Fireworks Display sa SM City Lipa.

Matagumpay na naidaos ng Lipeno ang kanilang kapistahan na may tagline na #EatPrayLoveLipa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …