MGA iskedyul para sa 2025 National Age Group Triathlon (NAGT) na gaganapin sa Enero 25-26 sa Subic Boardwalk sa Subic Bay Freeport , Olongapo City.
Ang unang araw ng swim-bike-run na kaganapan na inorganisa ng Triathlon Philippines sa pangunguna ni President Tom Carrasco ay tampok ang mga Super Tri Kids boys at girls (6 taon pababa, 7-8, 9-10, at 11-12) at ang U15 (Youth) men at women (13-15 taon) na kategorya.
Sa Ikalawang Araw ay ang Elite/Junior men at women; Para Triathlon men; Sprint Age Group men at women (16-19, 20-29, 30-39, 40-49, 50-59) at 60 pataas para sa mga kalalakihan lamang; Sprint Age Group men at women (18-24, 25-29, 30-34, 35-39, 40-44, 45-49); 50 pataas (kababaihan); 50-54, 55-59 at 60 pataas (men); at Standard Team Relay (men, women at mixed) na kategorya.
Ang mga distansya ng karera ay Sprint Elite, Junior Elite, Para, at Age Group (750m swim, 20km bike at 5km run); Youth 13-15 (500m swim, 10km bike at 2km run); at Standard Age Group/Team Relay (1.5km swim, 40km bike at 10km run).
Sa Super Tri Kids division, ang mga distansya ng karera ay 50m swim-1km bike-400m run (6 taon pababa); 100m swim-2km bike-800m run (7-8 taon); 200m swim-6km bike-1km run (9-10 taon); at 400m swim-8km bike-2km run (11-12 taon).
Ang NAGT ay sinusuportahan ng Philippine Sports Commission, Milo, Standard Insurance, LeGarde, Gatorade, Asia Centre for Insulation Philippines, Inc. at Fitbar.
Ang mga katuwang sa kaganapan ay ang Subic Bay Metropolitan Authority, RaceYa, Stat Med at MTiming. (HATAW Sports)