Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Gonzaga Buntis

Alex Gonzaga muntik mag-collapse: buntis na kaya?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAYAKAP bigla si Alex Gonzaga sa asawang si Mikee Morada kahapon ng umaga sa ginanap na Grand Float Parada para sa kapistahan ng Lipa. Ang dahilan, muntik na itong matumba.

Inanyayahang umakyat ng entablado ang mag-asawang Mikee (tumatakbong Vice Mayor ng Lipa) at Alex na bumaba mula sa kanilang float matapos ikutin ang ilang bahagi ng Lipa City para bumati ay magbigay-pugay sa mga taga-Lipa na naghihintay sa kanilang pagdating.

Umakyat din sina Luis Manzano (tumatakbong Vice Governor ng Batangas) kasama ang asawang si Jessy Mendiola gayundin si Ryan Christian Santos Recto (tumatakbong Congressman ng 6th district ng Batangas).

Pagkaraan ng ilang pagkaway-kaway, picture taking, at pagbati sa mga Lipeno, roon na yumakap si Alex kay Mikee at napansin naming maputla ang aktres/vlogger.

Kaagad siyang inakay ng asawa at akmang kakargahin ni Mikee subalit nakaya pa namang lumakad ni Alex pababa ng hagdanan at lumakad sa sasakyang naghihintay sa likuran ng stage sa C.M. Recto.

Dahil sa pangyayari agad naming naitanong sa Road Manager ni Alex, si JC Bagio ang dahilan ng pagkahilo niyon.

Biniro pa nga namin si Bagio kung naglilihi na ba si Alex at ipinaliwanag nitong, kulang sa tulog, sobrang pagod at init ang dahilan ng muntik pagko-collapse ni Alex.

Super late na kasi nakatulog si Alex kagabi dahil may pinanggalingan kaming event,” paunang sabi ni Bagio. “Tapos ang aga gumising kanina para sa parada. Tapos ang init dahil sa pag-ikot at ang daming tao. 

Sobrang pagod na,” katwirang kuwento ni Bagio.

Sayang, akala pa naman namin ay buntis na si Alex. 

Sana nga po pero hindi po,” sagot pa ni Baguio.

Samantala, sobrang nasiyahan ang mga Lipeno sa dami ng mga artistang nakiisa sa kanilang kapistahan.

Pagkatapos ng parada dumiretso sina Luis, Jessy, at Ryan sa San Sebastian Cathedral para dumalo ng misa na in-officiate ni Lipa Archibishop Gilbert Garcera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …