Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janno Gibbs Wow Mani

Janno ipinagtanggol ang VMX: It’s a private venue

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IPINAGTANGGOL ni Janno Gibbs ang VMX streaming platform ukol sa tinuran noon ni Sen Jinggoy Estrada na nababahala siya sapagpapalabas umano ng malalaswang panoorin sa streaming platforms gaya ng Vivamax o VMX.

“Senator Jinggoy is doing his job, he is doing it very well. He has all the right sa opinions. Ako personally, opinion ko VMX is not a public viewing venue. It is a private venue. 

“Magbabayad ka. Naka-childlock, you need a card,” paliwanag ni Janno sa Wow Mani media conference kahapon sa Viva Cafe.

Sinabi pa ng aktor na walang mapapanood sa VMX na hindi napapanood sa Netflix.  

“VMX has given these girls what they don’t get in the other field, mainstreams.

“For a lot of them, this is a great stepping stone. Marami ang nabibigyan sa kanila ng trabaho ng VMX. Most of the movies are directed and written by well regarded directors and writers,” susog pa ng komedyante.

Ang Wow Mani ay napapanood na sa VMX simula January 7, 2025 na tampok din sina Jenn Rosa, Denise Esteban, Zsara Laxamana, Chloe Jenna, Sunshine Guimary, Krista Miller, Yda Manzano, Skye Gonzaga, Salome Salvi, Christy Imperial, Sahara Bernales, Ada Hermosa,Candy Veloso, Lea Bernabe, Aliya Raymundo, Angeline Aril, Jonica Lazo, Sheena Cole, Nicco Locco, Aerol Carmelo at idinirehe ni Dominador Isip III.

Labindalawang episodes mayroon ang Wow Mani kaya’t tiyak hindi ka mauubusan ng rason para tumawa. Mapapanood ang mga bagong episode every other Tuesday.  Ito ay may mga pasabog na segments tulad ng Battle of the Braless, Injanno Jones, Tricky Girl, Tirsong Tuso Sketch, at Steam Bath Gag. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …