SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MABILIS na nag-sold out ang Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert sa February 8 kaya naman ang planong isang gabing pagbibigay ng magagandang musika ay nadagdagan.
Patunay na marami ang naka-miss sa Sessionistas na unang nabuo sa ASAP ng ABS-CBN 2. Hindi langgrupo ng magagaling na singer ang nabuo kundi isang pamilya at magkakaibigan. Sila ay sina Ice Seguerra, Nyoy Volante, Sitti, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano, at Juris.
At dahil nga sa overwhelming demand,nagdagdag ang Sessionistas ng isa pang araw ng kanilang konsiyerto. Itoa y magaganap sa April 4, 2025 sa The Theatre at Solaire.
Kaya naman humanda sa isa pang gabi na puno ng music, nostalgia, at heartfelt performances mula sa grupo na nabuo dahil sa kanilang pagmamahal sa musika at pagkakaibigan na minahal at kinagiliwan din ng kanilang fans.
Kaya mauna na sa pagkuha ng tickets sa TicketWorld, para ma-secure ang inyong upuan at para sa kanilang exclusive pre-sale with Fire and Ice LIVE!
Tumawag o mag-text sa 0927-700-3262 o mag-email sa [email protected].
Ito na ang inyong pagkakataon na ma-experience ang Sessionistas ng live sa ikalawang gabing hindi malilimutan dahil sa kanilang iconic hits, intimate stories, at surprise performances.
Totoo ang tinuran ng grupo nang makausap namin ang mga ito, ang kanilang konsiyerto ay hindi lamang mapupuno ng musika, kundi selebrasyon din iyon ng pagkakaibigan.
“More than the singing, it’s the friendship na nabuo namin on and off stage,” ani Ice.
“We always inspire each other. There’s this weird, like, entity that we become kapag magkakasama kami. You have to see it. When we perform, we become something else,” turan naman ni Nyoy.
Hindi naman mapapalitan ng anumang tagumpay ang kanilang pagsasama-sama, ani Juris, “Early 2009 na nagsimula yung Sessionistas. What I like about being part of the group is that on and off stage we are having fun. We support each other, yun yung gusto ko.”
Ano-ano nga ba ang dapat abangan sa konsiyerto ng Sessionistas? Nariyan ang Dear Sessionistas–Dito’y may pagkakataon ang fans na makapagtanong sa grupo ukol sa kanilang love and life na sasagutin naman ng Sessionistas sa pamamagitan ng stories and performances; Sessionistas Now – Iparirinig ng bawat miyembro ang kanilang unreleased songs na nagre-reflect sa kanilang personal at artistic journeys; Sessionistas at Home –May pagkakataon ang fans na magkaroon ng intimate look sa buhay-buhay ng grupo.
“Alam namin kung kailangan mo ng advice or comfort, or maramdaman lang na andiyan kami para sa ’yo. These are friendships that I formed na lifelong na,” pagbabahagi ni Princess.
Sinabi naman ni Duncan na, “’Yung wit at saka ‘yung humor sa relationship namin is sobrang present. We really come from different genres—so different personalities, different characters as one.”
“Para kaming iba’t ibang mutants na pinagsama-sama. Very humbling ‘yung experience sa Sessionistas kasi alam ko kapag sumasalang ako kasama ko sila, hindi siya tungkol sa akin eh. It’s about the music, it’s about the message,” dagdag naman ni Kean.
Kaya sa February 8 at April 4, 2025 humanda na sa gabi ng pagmamahal, musika, at pasasalamat handog ng Sessionistas.
Ang Love, Sessionistas ay handog ng Fire and Ice Entertainment at produced ng Fire and Ice LIVE, sa pakikipagtulungan ng Profero Aesthetics, The Platinum Karaoke and Katinko, HG Studio, Magic 89.9, True FM 105.9, Philippine Concerts, at WhenInManila.com. Nagpapasalamat din sila sa ABS-CBN’s ASAP sa patuloy nilang suporta sa Sessionistas.