Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aegis Mercy Sunot

Aegis inamin maninibago sa biritan sa pagkawala ni Mercy Sunot

RAMDAM namin ang lungkot habang kumakanta at tumutugtog ang magkakapatid na miyembro ng bandang Aegis. Hindi nga napigilang maluha nina Juliet at Ken Sunot dahil hindi na nila kasama sa biritan ang kapatid na si Mercy

Sina Juliet at Mercy ang bokalista ng kanilang grupong Aegis. 

Sa pre-Valentine concert na Halik Sa Ulan mediacon sinabi nina Juliet at Ken na magsisilbing tribute sa namayapa nilang kapatid, si Mery ang konsiyerto.

Aminado ang magkakapatid na tiyak na maninibago sila sa gagawing konsiyerto sa kanilang comeback major concert na Halik sa Ulan February 1 and 2 sa New Frontier Theater.

“Siguro iba kasi wala si Mercy, pero kailangan namin lalo galingan kasi iba talaga noong kompleto kami,” ani Juliet na hindi napigiling lalong maluha habang nagsasalita.

Noong time na naplano to (concert), talagang wala si Mercy pero gusto lang namin bumalik siya. Pero talagang umalis na talaga siya. Kailangan lang namin ipagpatuloy ‘yung nasimulan namin. Gagalingan po namin,” pangako ni Juliet.

Si Ken, isa pa sa kapatid ang makakasama ni Mercy sa biritan. Aminado itong ramdam niya ang pressure sa pagpe-perform ngayong wala ang isa sa kanilang kapatid.

“Nape-pressure ako kasi dati, kapag nandiyan si Ate Mercy, si Ate Juliet sasaluhin (sa pagkanta). Eh, ngayon, parang magiging lakasan ng loob ko na rin kasi iba ‘yung may dalawang ate.

“Dati kay Ate Mercy, ‘Ate hindi ko kaya,’ sasabihin niya, ‘kaya natin to, ako bahala,’” pagbabahagi pa ni Ken.

Ipinangako naman ni Juliet na gagawin nila ang lahat para maging proud sa kanila si Mercy sa kanilang konsiyerto.

“Mahirap po, pero pipilitin namin na parang walang nangyari. Ito naman po para sa aming kapatid, para kay Mercy,” ani Juliet.

Kasabay ng konsiyerto ang pagri-release ng Aegis ng bago nilang kanta.

Special guests sa Valentine concert ng Aegis sina Morissette, Jona, Julie Anne San Jose, at Ogie Alcasid.

Ang Halik Sa Ulan: A Valentine’s Special tickets ay mabibili sa TicketNet. (MVValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …