Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine National Volleyball Federation PNVF Japan Volleyball Association JVA
Sina FIVB Executive Vice President at presidente ng AVC na si Ramon “Tats” Suzara at Japan Minister at Consul General Takahiro Hanada kasama ang mga miyembro ng Alas Pilipinas na sina Thea Gagate, Dawn Catindig, Vince Lorenzo, at EJ Casaña. (PNVF Photo)

Ugnayang PNVF, JVA nangakong palalakasin

NANGAKO ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at Japan Volleyball Association (JVA) na patuloy na palalakasin ang kanilang ugnayan habang layunin nilang itaas ang antas ng popularidad ng sport sa kontinente.

Pinangunahan ni Japan Minister at Consul General Takahiro Hanada ang turnover ng mga gamit para sa volleyball mula sa JVA noong Huwebes sa bagong PNVF Office sa The Bonifacio Prime sa Taguig City at ipinaabot ni Asian Volleyball Confederation president at FIVB executive vice president Ramon “Tats” Suzara, siya rin ang PNVF president, ang kanyang pasasalamat dahil nakatanggap ang Filipinas ng isa pang malaking tulong, siyam na buwan bago ang pagho-host ng FIVB Men’s Volleyball World Championships.

“Sa pagdami ng mga dumadalo at ang pag-usbong ng mga bagong talento, naniniwala ako na ang aming kooperasyon ay dumating sa isang kapanapanabik na panahon para sa kultura ng volleyball,” sabi ni Hanada.

“Masigasig kaming nagsasamantala sa pagkakataong ito upang suportahan ang umuusbong na volleyball scene ng Filipinas… ipinagmamalaki naming ibigay ang mga kagamitang ito sa mga kabataang Filipino na sabik matuto,” dagdag ni Hanada. “Nawa’y maging mahalagang bahagi ang mga volleyball na ito sa pagpapalakas ng mga pangarap at koneksiyon ng kabataang Filipino.”

Nagpasalamat si Suzara sa malaking tulong na ibinigay ng JVA sa mga pagsusumikap ng PNVF na matuklasan ang mga talento at palawakin pa ang bilang ng mga tagapanood ng sport.

“The Philippines is a volleyball country,” wika ni Suzara. “Ito ang pangunahing slogan namin ngayon.”

“Ang mga kagamitang ito ay magpapalakas ng pagpupursigi ng mga kabataang manlalaro sa mga lalawigan… Ang mga bolang ito ay makararating sa maraming kabataang manlalaro sa Mindanao, Visayas, at Luzon,” dagdag ni Suzara habang nagpapasalamat kay Hanada at sa JVA para sa patuloy na suporta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …