PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
AGAD din namang may kumuwestiyon sa batikang aktres/direktor na si Gina Alajar na gumaganap daw bilang si Charito Solis sa movie.
Ang yumao at de-kalibreng aktres ay sinasabing naging very close noon kay Pepsi Paloma nang gumawa sila ng ilang projects, kasama na ang Naked Island, ang panahong lumabas ang balitang ‘rape.’
May mga netizen na nagsasabing wala na raw bang makuhang trabaho si direk Gina para patulan ang project with Darryl Yap?
Naniniwala raw ba ito sa kakayahan ng isang Darryl bilang magaling na direktor o story-teller man lang, considering nga na isang batikan aktres at direktor si Gina?
Damay na rin sa bashing ng netizen ang iba pang cast members ng movie gaya nina Mon Confiado at Shamaine Buencamino na pawang mga award-winning actors and yet pumayag daw na gumawa ng movie under Darryl?
Well, sey nga ni Darryl, “panoorin ninyo muna ang movie bago kayo kumuda.”