MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na gagawin sa China sa 7-14 Pebrero 2025 sa winter resort city ng Harbin.
Ang layunin ay maghawi ng daan para sa unang medalya sa Winter Olympics ng Filipinas.
“Naabot na natin ang pangarap sa Summer Olympics — tatlong gintong medalya sa magkakasunod na laro,” sabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino noong Miyerkoles, Unang Araw ng Bagong Taon.
“At ang pangarap na iyon ay nais din namin makamtan sa Winter Olympics.”
Wala pang tiyak na rekord kung ilan ang Filipino winter sports athletes na lumahok sa unang walong edisyon ng Asian Winter Games, ngunit naniniwala si Tolentino na ang koponang magtatanghal sa Harbin ay dapat ang pinakamalaki hanggang ngayon.
“At ang ating mga atleta ay lalahok sa anim sa 11 sport na bahagi ng programa sa Harbin,” dagdag ni Tolentino.
Ang curling, na ngayon ay isa sa pinakapopular na winter sports, ang magkakaroon ng pinakamaraming atleta sa Harbin na may 10 atleta — sina Marc Angelo Pfister, Enrico Gabriel Pfister, Christian Patrick Haller, Alan Beat Frei, Jessica Pfister, Benjo Delarmente, Kathleen Dubberstein, Leilani Dubberstein, Sheila Mariano, at Anne Marie Bonache.
Itinatag ang Curling Winter Sports ng Filipinas noong nakaraang taon upang ayusin ang disiplina nito, kasama ang bagong grupo sa Philippine Skating Union at Philippine Ski and Snowboarding Association sa roster ng POC.
Ang iba pang miyembro ng Team Philippines na pinamahalaan ni chef de mission Richard Lim ay sina Paolo Borromeo, Aleksandr Korovin, Cathryn Limketkai, Isabella Marie Gamez, at Sofia Lexi Jacqueline Frank sa figure skating; sina Francis Ceccarelli at Talullah Proulx sa Alpine skiing; Laetaz Amihan Rabe sa freestyle skiing; si Peter Joseph Groseclose sa short track speed skating, at si Adrian Tongco sa snowboarding.
Nanalo ang weightlifter na si Hidilyn Diaz-Naranjo ng kauna-unahang gintong medalya ng Filipinas sa Summer Olympics sa Tokyo 2020 at nakakuha si gymnast Carlos Yulo ng dalawang gintong medalya sa Paris 2024, parehong sa ilalim ng pamumuno ni Tolentino sa POC.
“Ang Winter Olympics ay kasing hirap ng Summer Olympics, ngunit napatunayan namin na kaya itong makamtan,” pangako ni Tolentino.
Ang Italya ang magho-host ng ika-25 edisyon ng Winter Olympics sa Milan at Cortina d’Ampezzo sa 6-22 Pebrero ng susunod na taon.
Apatnapu’t apat kaganapan ang isasagawa sa Harbin, na naging host na noong 1996, pangalawang pagkakataon pagkatapos ng Changchun 2007 na unang inorganisa ng China ang mga laro.
Ang Japan ang nangungunang koponan sa mga laro, na sinusundan ng China at Kazakhstan.