Friday , December 20 2024
Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon para sa mga residente, dahil ito ay sumasalamin sa tunay na puso ng lungsod.

Sa kanyang talumpati, binalikan ni Mayor Ruffy Biazon ang mga kahanga-hangang gawa ng integridad at serbisyo na ipinamalas ng mga ordinaryong mamamayan sa buong taon.

“Sa mundong ating ginagalawan ngayon, na madalas ang kawalang-pakialam, ang mga kilos ng katapatan ay nagbibigay sa atin ng pagmamalaki at pag-asa,” aniya.

Isa sa mga nakagagalak na bahagi ng pagdiriwang ay ang kuwento ni tricycle driver Romeo Boso at ang kanyang asawa na si Aida, na nakakita ng cellphone na may P1,000 sa Alabang Junction.

Sa kabila ng mga hamong pinansiyal, isinuko nila ito sa opisina ni Mayor upang maibalik sa may-ari.

Gayondin ang estudyanteng si Gian Ong ng Tunasan National High School na nakakita ng pitaka na naglalaman ng mga ID, GCash card, at pera habang pauwi mula sa paaralan, pero agad niya itong dinala sa Mayor’s Office imbes pan-interesan.

Samantala, natagpuan ng 65-anyos na si Renato Corpuz ang isang teleponong naiwan sa Bayanan Baywalk. Matapos maghintay na balikan ng may-ari, dinala niya ito sa city hall sa tulong ng kanyang manugang.

Ayon kay Mayor Biazon, “Sa Muntinlupa, ang paggawa nang tama ay hindi pambihira — ito ay likas na ugali.”

Pinarangalan din ng lungsod ang most dedicated government employees para sa 2024: si Alicia Tanabe mula sa City Health Office, kinilala bilang Outstanding Nutrition Scholar; si Sarah Jean Cummings mula sa Business Permits and Licensing Office; at si Michael Arriel Enriquez mula sa Office of the City Mayor.

Kasunod nito, kinilala ang Muntinlupa Water Search and Rescue (WASAR) Team na nagligtas ng 86 katao noong bagyong Carina.

Ang diwa ng serbisyo ay nagbunga ng maraming pagkilala para sa Muntinlupa.

Sa ikatlong sunod na taon, ang lungsod ay ginawaran ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nakuha rin ng lungsod ang Top 4 sa Most Competitive Cities index nationwide, at Top Spot sa Innovation. Ang Electronic Business One-Stop Shop ng lungsod ay kinilala ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Sa pagdiriwang ng anibersaryo, inilunsad ang ilang proyekto gaya ng: MUNConnect Free Public Wi-Fi — Libreng Wi-Fi sa mga pangunahing lugar upang mapunan ang digital divide;

PNP Command Center at iRespond App: Paghusayin ang kaligtasan ng publiko gamit ang modernong surveillance at response tools; at

Tunasan Skate Park: Isang nakalaang lugar para sa sports at libangan.

Inilunsad ang isang Health and Management Information System upang i-digitize ang mga rekord ng pasyente, na nagtitiyak ng mas mabilis at mas maayos na serbisyong pangkalusugan.

Inianunsiyo ang mga nagwagi sa “Search for the Cleanest and Most Orderly Subdivision” o PaMaNang Nakakaproud, na kumikilala sa mga pagsisikap sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa iba’t ibang barangay.

Sa pagtatapos ng selebrasyon, binigyang-diin ni Mayor Biazon na ang tunay na nagpapasigla sa Muntinlupa ay ang kanyang mga mamamayan.

“Ang ating pag-unlad ay nasusukat sa puso ng ating mga mamamayan — tapat, may malasakit, at pinapatakbo ng diwa ng komunidad.”

Sa loob ng 107 taon, ang Muntinlupa ay nakapagtayo ng isang pamana ng malasakit, serbisyo, at tagumpay na sama-sama. Ang kanyang mga mamamayan — mga ordinaryong tao na may pambihirang mga puso — ang pinakamalaking tagumpay ng lungsod at pinakamaliwanag na pag-asa para sa hinaharap. (EJ DREW)

About EJ Drew

Check Also

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
3 PUGANTE, 1 TULAK NAKALAWIT

SA PATULOY na operasyon kontra kriminalidad ng pulisya, nadakip ang tatlong nakatalang wanted person at …