Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Magandang araw po sa inyong lahat Sis Fely at makabuluhang pagdiriwang ng Kapaskohan.
Ako po si Isabelita Ramos, 53 years old, isang office worker, residente sa Valenzuela City.
Gusto ko pong i-share ang kabutihang natatamo ko at ng aking pamilya sa paggamit ng Krystall Herbal Oil at iba pang produkto.
Halos limang taon na po kaming suki ng produktong Krystall lalo na ang Krystall Herbal Oil. Natuklasan ko ito noong panahon na matindi ang atake ng allergy ko sa lamig ng panahon. Tuwing papasok po ang Amihan, nararamdaman ko ang pangangati sa aking mga labi tapos kapag medyo nakakamot ng ngipin ko biglang magkakaroon na ng lintos. Kapag may lintos na, hindi na ako puwedeng kumain ng malalansa kasi po lalong nangangati at nagpuputukan, napakahapdi at nagsisimula nang magsugat.
Noong una’y hirap na hirap ako kung paano pagagalingin. Nagtitiyaga ako sa paglilinis ng maligamagm na tubig na may asin, umiigi naman pero napakatagal gumaling inaabot pa hanggang Pebrero.
Minsan ay nasabi ko ito sa isang kasamahan ko sa Church at inirekomenda niya ang Krystall Herbal Oil. Sabi niya, basts tuwing nararamdaman ko na parang naninikit, humahapdi, at natutuyo ay haplosan ko ang aking labi ng Krystall Herbal Oil. Ginawa ko po. At noon ko naramdaman ang ginhawa. Kapag nilagyan ko ng Krystall Herbal Oil lumalambot ang langib at natatanggal nang magaan kaya hindi nag-iiwan ng sugat.
After 3 days, gumaling po nang tuluyan ang mga lintos na naging sugat sa aking labi. Pero iniwasan ko pa rin kumain ng malansa kahit paborito ko ang tuyo at bagoong. Hay dieta talaga. Pero lang po, ang importante gumaling ang mga sugat sa labi ko.
Thank you so much Ma’m Fely,ang galing-galing po talaga ng Krystall Herbal Oil. Isang tunay na miracle oil.
Mabuhay po.
ISABELITA RAMOS
Quezon City