Monday , April 28 2025
Moon Su-In Noreen Divina Skinlandia Rams David 

Moon Su-In bagong endorser ng Skinlandia

RATED R
ni Rommel Gonzales

BONGGA ang Skinlandia ni Madam Noreen Divina dahil ang pinakabago nilang celebrity endorser ay ang sikat na Korean actor/model/basketball player na si Moon Su-in.

Ang naging susi sa pagdadala rito sa Pilipinas kay Moon Su-in ay si Rams David ng Artist Circle Talent Management na siya ring humahawak ngayon ng career ni Moon Su-in dito sa Pilipinas.

Unang endorsement niya ay ang ER Guard ng Medicare Plus Inc. na isa rin sa may hawak ay ang aktres na si Shyr Valdez.

At dahil malapit na magkakaibigan at magkakatrabaho sina Noreen, Rams, at Shyr, napili na ring endorser ang Korean celebrity ng skin, beauty and wellness clinic na Skinlandia ni Noreen na matatagpuan ang unang branch sa SM Fairview.

Impressive ang achievements ni Moon Su-in. Noong  2011 ay napili siya ng yumaong si Kobe Bryantbilang MVP para sa inter-university basketball tournament sa Kobe Bryant in Seoul Tour.

Taong 2014, sumali si Moon bilang modelo at ace player ng Korean celebrity and model team na Code One na sinundan pa ng maraming proyekto sa South Korea.

Ngayon ay susubok si Moon ng kanyang kapalaran  sa Pilipinas at malamang ay magaya sa isa pang sikat na Korean celebrity na si Kim Ji Su na sunod-sunod ang naging proyekto sa bansa tulad ng Black Rider, Abot Kamay Na Pangarap, at Mujigae movie.

Well, sa tulong nina Rams, Shyr, at Noreen, tiyak na aarangkada ang showbiz career ni Moon dito sa Pilipinas.

Bukod kay Moon, endorser din ng Skinlandia si Jess Martinez.

About Rommel Gonzales

Check Also

Bong Revilla Jr

Budots Dance ni Sen Bong na tinutuligsa dati gamit ng ilang senador sa kampanya ngayon

I-FLEXni Jun Nardo PINAGTAWANAN, nilait. Pinagtawanan noon ang ginawang Budots Dance ni Sen Bong Revilla, Jr.bilang campaign video nang …

Jodi Sta Maria Untold

Untold ni Jodi kakaibang manakot: tumili hanggang kaya mo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAKARAMING gulat factors ng psychological suspense-horror na Untoldmovie ni Jodi Sta. Maria. Tama ang tinuran …

Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

Pagkanta ng mga Noranian ng Superstar Ng Buhay Ko nakaaantig ng puso

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI inalintana ng magkakapatid na  Lotlot, Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon at …

Kobe Paras Kyline Alcantara

Kobe may cryptic post, patama kay Kyline?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI ang nag-react sa tila pasaring na post ni Kobe Paras using the …

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …