Thursday , December 26 2024
Julia Montes Zia Grace Saving Grace

Julia, Zia nagpa-iyak; Coco, ‘di nakapagpigil

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGKAIYAKAN ang mga nanood ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Saving Grace na pinagbibidahan ni Julia MontesMaging sina Coco Martin at ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes ay kitang-kita naming nagpupunas ng kanilang luha matapos ang isinagawang celebrity screening at mediacon sa Gateway Mall 2 Cinema 11 noong Biyernes.

Ang Saving Grace ang Philippine adaptation ng hit Japanese series na Mother na iikot sa tema ng pagmamahal ng isang ina habang isinasalamin din ang realidad sa likod ng mga pang-aabuso sa kabataan at kababaihan.

Masasaksihan dito si Julia bilang Anna, isang guro na hahamakin ang lahat mabigyan lang ng pangangalaga at pagmamahal ang isang bata na inaabuso ng sariling ina.

Talaga namang umpisa pa lang ay kakapitan na agad ang istorya ng Saving Grace lalo’t lahat ng mga nagsiganap ay magagaling at basta tatak Dreamscape Entertainment asahan nang maganda at dekalikad ang serye. 

Inaasahan na namin ang galing ni Julia na itinanghal na best actress sa 7th The EDDYS. Ang hindi namin inaasahan ay ang bagets na si Zia Grace na gumaganap bilang batang biktima ng domestic violence. Talaga namang maaantig ang sinumang makapanonood sa kanya. Ang galing! Maging siRosanna Roces na sumuporta at nanood ay hindi napigilang maglahad ng pagkamangha sa galing ni Zia.

Ang Saving Grace ay hatid ng Prime Video na siya ring naghandog ng Linlang

Tampok sa serye sina Megastar Sharon Cuneta, Janice de Belen, Sam Milby, Jennica Garcia, Christian Bables, Elisse Joson, Eric Fructuoso, Andrez Del Rosario, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Sophia Reola, Ramon Christopher, Mary Joy Apostol, PJ Endrinal, Emilio Daez, Karl Gabriel, Jong Cuenco, Daisy Cariño, Lotlot Bustamante, Alma Concepcion, at Fe De Los Reyes.

Bago mapanood ang Kapamilya adaptation nito sa Prime Video, hinirang muna na most exported title sa Asya ang Mother nang magkaroon ng kani-kanilang bersiyon ang iba’t ibang bansa gaya ng Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Saudi Arabia, at Mongolia.

We are thrilled to announce that ‘Saving Grace,’ our take on the acclaimed Japanese drama ‘Mother,’ is streaming first on Prime Video.

“This newest feat is a continuous testament to our commitment to showcasing world-class Filipino talent and entertainment to our local and global audiences while engaging them with its heartwarming themes emphasizing the Filipino core values of family and motherhood,” ani Ms Cory.

Nippon TV’s ‘Mother’ will be the honorable first adaptation of our scripted format in the Philippines, marking a significant milestone in our collaboration with the vibrant Filipino content industry.

“We commend ABS-CBN for their dedication in bringing this powerful story to life, set to premiere on a global streaming service such as Prime Video, showcasing the universal appeal of ‘Mother’ and celebrating the creativity and talent within the Filipino entertainment landscape,” sambit naman ng Nippon TV execs na sina Yuki Akehi at Sally Yamamoto.

Unang mapapanood ang Saving Grace sa Prime Video, na may dalawang bagong episodes tuwing Huwebes, simula November 28. Mula ito sa direksiyon nina FM Reyes at Dolly Dulu,

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …