Saturday , December 21 2024
PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at iba pang gaya nito.

               Kahapon, opisyal na idineklara ang Amihan kaya inaasahan ang mas malamig na panahon sa mga darating na buwan dahil sa pagdating ng Northeast Monsoon, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Ayon sa State meteorologists, ang Northeast Monsoon ay magdadala ng malamig at tuyong hangin sa karamihan ng bahagi ng bansa.

“Over the past several days, the high pressure area over Siberia has strengthened, leading to a strong surge of northeasterly winds which is expected to affect the northern portion of Luzon beginning today and tomorrow, after the passage of Super Typhoon Pepito,” paliwanag ng PAGASA.

“Furthermore, successive surges of northeasterly winds are expected over the next two weeks, leading to an increase in atmospheric pressure and cooling of surface air temperature over the northern portion of Luzon,” dagdag nito.

Anila, “The development of these meteorological patterns indicate the onset of the Northeast Monsoon (Amihan) season.”

Sinabi ng PAGASA na ang panahon ng Amihan ay inaasahang magdudulot ng matataas na alon sa dagat, lalo sa mga seaboard ng Luzon sa mga darating na buwan.

Nauna nang ipinaliwanag ng state weather bureau na ang pagkaantala sa pagsisimula ng Amihan ay naging dahilan ng pagpasok ng mga tropical cyclone sa hilagang bahagi ng bansa.

Nabatid na ang pagsisimula ng Northeast Monsoon noong nakaraang taon ay idineklara noong Oktubre. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …