RATED R
ni Rommel Gonzales
MAY mga nagulat na pinasok ng mag-asawang Mariz at Ronnie Ricketts ang bago nilang negosyong PTXperts Orthopedic, Spine, & Sports Physical Therapy Clinic na nag-i-specialize sa orthopedic, spine, and sports physical therapy.
“Ako naniniwala sa ganitong klaseng clinic therapy treatment, it’s about time we have it here,” ani Ronnie na nasa clinic once or twice a week.
Ang therapy clinic ay pinamumunuan ang mga ekspertong medical professionals tulad nina Dr. Eugene Ketselman, Dr. Roly Dimol, Dr. Andrei Altavas, at Dr. Vladimir Camurungan na nakatatandang kapatid ni Mariz at mga business partners ng mag-asawa.
Tinanong namin si Ronnie kung ano sa tingin niya ang tsansa na mas dumami pa ang mga Filipinong tatangkilik sa ganitong uri ng serbisyong medikal.
“Alam mo, it’s funny, we’re already thinking of expanding sa South, kasi we feel that it’s really going to have a lot of people, kasi ito ‘yung hinahanap, especially me, ako bilang athlete, naghahanap ako ng alternative na puwede pang puntahan, eh.
“So ‘yung brother nga ni Mariz, sabi niya, ‘Bring it here’, so now it’s here and kanina if you were here, a lot of people came by and asked already, inquiring and there’s walking lines, patients coming in already.”
Matatagpuan sa Upper Ground Floor ng Victoria Sports Tower, sa EDSA ang therapy clinic na nagkaroon ng grand opening at blessings na dinaluhan ng mga celebrity friend ng mag-asawa tulad nina Sen. Jinggoy Estrada, Cong. Lani Mercado-Revilla, Ara Mina, Lindsay Custodio, Bianca Lapus, Marissa Sanchez, at Lovely Rivero.
Ang mga services offered ng PTXperts ay Physical Therapy for Spinal Conditions, Orthopedic Manual Physical Therapy, Mechanical Diagnosis and Therapy, Post-Surgical Physical Therapy (Hip, Knee, Shoulder, ACL, Rotator Cuff), Cardiovascular Conditioning Programs, Cranio-Mandibular Physical Therapy, Headache Management, at marami pang iba.