Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMFF 50

MMFF 2024 exciting ang mga entry

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

TUNAY namang very exciting ang ika-50 anibersaryo ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito na marahil ang pinaka-bonggang taon sa panahong ito dahil lahat halos ng pinaka-kilalang mga artista ay mayroong entry.

Ang ating Queenstar for All Seasons Vilma Santos, ang masasabi ngayong “mukha” ng selebrasyon dahil siya na itong pinaka-beterana, haligi ng industriya, at nag-iisang film legend-icon na may entry via Uninvited. Kasama niya rito ang mga MMFF big stars ding sina Aga Muhlach at Nadine Lustre with several others na mga kilala ring magagaling.

Nandiyan din ang entry nina Vic Sotto at Piolo Pascual na The KINGDOM. 

Dalawa rin sila sa maituturing na ‘icons’ ng showbiz sa panahong ito. And of course, si meme Vice Ganda, sa kanyang And the Breadwinner Is entry.

In na in pa rin ang mga showbiz great na sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino na magkasama sa entry na Espantaho.

Bibida naman sina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa Green Bones habang may entry naman sina Aicelle Santos at Bituin Escalante sa musical entry nilang HIMALA: Isang Musikal. 

Ang mga new generation of big young superstars ay may mga pasabog ding entries gaya nina Julia Barretto at Carlo Aquino sa Hold Me Close, ang FranSeth tandem nina Francine Diaz at Seth Fedelin sa My Future You. Sina Julia Montes at Arjo Atayde for Topakk at sina Enrique GilJane de Leon– para sa Strange Frequencies: Haunted Hospital.

Kompletos rekados at lahat ay may mga co-star na maipagmamalaki plus mga scriptwriter and directors na mga award-winning din.

Oktubre pa lang pero dapat na po tayong mag-ipon ng pambayad sa mga sinehan para sa December biggest event na ito sa showbiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …