RATED R
ni Rommel Gonzales
ITINANGI ni Zandro Go Sales, Jr na sinadya niyang ipasilip, para pag-usapan, ang private part niya habang rumarampa sa sashing ceremony ng Mr. Grand Philippines 2024 sa Viva Café sa Cubao kamakailan.
Habang rumarampa kasi si Zandro (Mandaluyong City) na naka-puting underwear ay sumisilip ang balls niya sa kanang gilid ng brief.
“Hindi ko naman siya sinasadya. Hindi ko naman alam talaga. Hindi ko talaga alam!” bulalas ni Zandro.
“Why am I going to do that? Why am I going to do that, eH, national pageant ito?”
Paliwanag niya, “‘Yung brief sa sideways, sobrang luwag. Yeah, large ang naibigay sa akin kaya ano.
“Eh kasi, ‘yung medium, hindi na kasya. So, yeah… hindi ko siya napansin.”
Unang beses na naranasan ni Zandro na masilipan habang rumarampa.
Samantala, guwapo at borta, may kumukuha kay Zandro para mag-VMX o Vivamax, pero sa ngayon ay naka-focus muna siya sa Mr. Grand Philippines 2024.
May celebrities na kandidato sa Mr. Grand Philippines 2024 tulad ng Tiktok sensation na si Jayden Fernandez/Jonas Harina (Quezon Province), anak ng character actor na si Dennis Coronel na si Mark Joseph Macalintal (Caloocan), at ang younger brother ni Jerome Ponce na si John Jerricho Porciuncula (Antipolo, Rizal).
Ang premyo para sa grand winner ng Mr. Grand Philippines 2024 ay PHP300K cash prize, PHP200K worth of guaranteed projects, at PHP1M worth ng products at services.
Sa PHP1M ay kasama ang iPhone 16 Pro Max, at trip to Boracay, Hong Kong, and Thailand na libre ang hotel accommodation, pamasahe, at travel allowance.
Maliban kina Zandro, Jonas, Mark Joseph, at John Jerricho, ang iba pang mga kandidato ay sina Aaron Jo Reyes ng KSA Fil Comm; Aaron Paul Francisco ng Malolos, Bulacan; Albert Decio ng Marikina City; Aljay Dado ng Zambales; Austin Gabriel Otu ng Nigeria Fil Comm; Carl Joseph Abueg ng Castillejos, Zambales; Christian Geca ng San Pedro, Laguna; Dale Danielle Fisher ng Australia Fil Comm; Daniel Paulo Elumba ng Silang, Cavite; Jake Lawrence Coronado ng Rizal, Laguna; Jake Rayos ng Batangas City; Jeffrey Jaquin ng France Fil Comm; Joe Marzon Dunuan ng Cordillera; John Christofer Lagus ng Manila; John Denmark Tomelden ng Quezon City; John Kenneth Dela Cruz ng Arayat, Pampanga; John Roland Capuz ng Cabuyao, Laguna; John You Capili ng Dasmarinas, Cavite; Jonathan Perez ng Bulacan Province; Keith Andrei Llera ng Laoag City; Kent Lambert Garcia ng Infanta, Quezon; Kim Cenia ng Cebu; Mark Jayson Gaerlan ng Pangil, Laguna; Mark John Oronea ng Tagaytay City; Mark Wilson Laresma ng Albay; Marky Cielo Santos ng Porac, Pampanga; Matthew Louie Arbole ng Cagayan de Oro; Noel Peter Sena ng Pangasinan; Ram Sorianong Muntinlupa; Teddy Von Jay Manalo ng Balayan, Batangas; Tranx Risch ng Taguig City; WallMartin de Leon ng Parañaque; at Zyrus Aaron Fortes ng Sta Rosa, Laguna.
Sa sashing ceremonies nila ay tumanggap ng special awards ng myDentist Clinic Media Choice awards sina Aaron Paul, Jonathan, at Jonas na nagwagi rin bilang Mr. Viva Café along with Aaron Jo at John Denmark.
Winners naman bilang “Smiles of the Night” sina Dale Danielle; Mark Joseph; Sandy; Albert; Jonathan; Kim; John Jerricho; at John Denmark.
Ang swimwear competition ay ginanap kahapon, October 14 sa Ambassador in Paradise Resort sa Boracay na rumampa sila suot ang Locco Locco underwear brand na pag-aari ng Vivamax hunk na si Nicco Locco na kasama nilang rumampa noong gabing iyon.
Ang coronation night ng male pageant ay sa October 25, Biyernes sa Metrotent, Ortigas, Pasig City.