Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MAKA GMA Public Affairs

MAKA pilot episode tinutukan

RATED R
ni Rommel Gonzales

GEN Z man o feeling Gen Z, hindi pinalagpas ang pagsisimula ng latest youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs na MAKA nitong Sabado, September 21.

Mainit ang pagtanggap ng mga Kapuso sa programa kaya nakapagtala ito ng 6.6 percent (higit na mas mataas sa 1.4 percent rating ng katapat nitong programa), batay sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines.

Sa pag-uumpisa ng serye, nabalitaan ng high school students ng Douglas MacArthur High School for the Arts a.k.a. MAKA na nanganganib ipasara ang kanilang eskuwelahan. Para manatili itong bukas, kailangan nilang manalo sa upcoming Regional Drama School Competition.

Tanggapin kaya ng award-winning playwright at art theater director na si Sir V (Romnick Sarmenta) ang pakiusap sa kanya na magturo bilang Art teacher sa Arts & Performance (A&P) section ng MAKA High?

Ang MAKA ay pinagbibidahan nina Sparkle stars Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa a.k.a. Bangus Girl. Mapapanood din sa programa ang That’s Entertainment alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa, pati na rin si veteran actress Carmen Soriano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …