RATED R
ni Rommel Gonzales
PATULOY talaga ang pamamayagpag ng GMA Public Affairs sa iba’t ibang platforms, kasama na ang online. Batay sa Tubular Labs, ito ang No. 1 online news video publisher sa Pilipinas mula January hanggang August 2024.
Noong July, ang GMA Public Affairs din ang most-watched news publisher globally sa Facebook. Pumangatlo naman ito worldwide sa kategoryang News and Politics sa parehong YouTube at Facebook.
Hindi talaga maikakailang patuloy na tinatangkilik ng sambayanan ang mga top-rating at award-winning programs ng GMA Public Affairs gaya ng KMJS, I-Witness, Wish Ko Lang, Tadhana, at Biyahe ni Drew.