REALITY BITES
ni Dominic Rea
NAKAKAWALANG-GANA itong si Carlos Yulo. Sa totoo lang huh! Mukhang pakiramdam ni Carlos ay hindi mauubos ang milyong pera na mayroon siya.
Mauubos ‘yan Dong pero ang pagmamahal sa iyo ng mga magulang na gumawa at nagpalaki sa ‘yo, hanggang sa huling sandali ‘yun ng buhay mo.
‘Yang premyo mong dalawang gintong medalya ay natutunaw. Pero ang pakawalan mo at hindi mo pagpapakita ng pagmamahal sa iyong sariling pamilya ay hindi magandang gawain ng isang anak anupaman ang mga naging isyu ninyo.
Bago ka pa nagka-ginto sa Olympics, may dalawang ginto ka na. Ang iyong Ama at Ina na dapat kasama mo sa iyong pag-angat hindi ‘yung sarili mo lang.
Lumingon ka sa magulang mo. Pamilya muna!