Saturday , July 26 2025
Arrest Posas Handcuff

Trainee umastang parak inaresto sa boga

POSIBLENG hindi na matupad ang pangarap na maging alagad ng batas ang isang police trainee matapos umastang parak at mahulihan ng baril sa loob ng  Camp Karingal  sa Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang police trainee na si Roly Vincente Dimla Manalastas, 30,  residente sa NBBS Kaunlaran, Navotas City.

Sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nadiskubre ang dalang baril ni Manalastas dakong 8:10 pm sa QCPD Grandstand sa loob ng kampo.

Nagsasagawa ng physical accounting ng mga trainee sa QCPD Grandstand sina P/Maj. Eric Alino, hepe ng Training Section at duty officer na si P/SMS Fe Bulan  nang mapansin  ang sling bag ni  Manalastas.

Doon nakita ang isang  .45 caliber Colt MK IV Series 80 na may serial number 762528, magazine na may pitong bala, PNP ID, LTO driver’s license, National ID, Landbank ATM card,  cash na P3,568, at susi ng motorsiklo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591  o Illegal Possession of Firearm ang nasabing police trainee. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …