SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
UMABOT sa 4,230 preso sa Quezon City Jail ang nakatanggap ng libreng medical, dental check-up at feeding program ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson noong Sabado.
Tulad ng ginawang paghahanda ni Manong Chavit sa senatorial campaign sa 2025 na nagpa-advance stem cell treatment siya sa Japan pagkaraan ng 12 taon para may lakas, gusto rin ng dating gobernador na maging malusog ang mga preso.
Ang medical, dental, at feeding program ay bahagi ng programa ni Manong Chavit na Happy life for all. Kasama rin dito ang mga oportunidad sa kabuhayan sa kanilang paglaya sa kulungan..
Sinabi ni BJMP-National Capital Region (NCR) Chief Supt. Clint Russel Tangeres na ang programa ay naglalayong isulong ang mabuting kalusugan at wastong nutrisyon sa pasilidad.
Sa speech ni Manong Chavit, sinabi nitong may mga oportunidad sa trabaho para sa mga PDL sa kanilang paglaya sa bilangguan tulad sa Taiwan na siyang nangunguna sa pagpo-produce ng microchip sa mundo.
Bukod sa Taiwan, ani Singson na in demand din ang mga caregiver sa South Korea at Japan, na sa pamamagitan ng kanyang impluwensiya, ay makapagbibigay ng trabaho para sa mga PDL pagkatapos ng kanilang paglaya mula sa bilangguan.
Ipinaliwanag ni Singson na may mga kompanya at employer na hindi kumukuha ng mga aplikante na nakulonh kaya naman ito ang nag-udyok sa kanya para manguna na mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga ito na makahanap ng pagkakakitaan o trabaho.
At bagamat tatakbo sa 2025 iginiit ni Manong Chavit na ang pagsasagawa ng “Feeding Program at Health Mission’’ sa Quezon City Jail ay hindi tungkol sa pagtakbo niya sa Senado.
Hindi rin ito ang una ay huling pagsasagaw ang medical mission ni Singson dahil aniya, maraming civic oriented programs, kabilang ang pagbibigay ng bagong buhay sa mga PDL ang isasagawa rin niya.