PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MARAMI ang naguluhan sa halos pasikot-sikot na paliwanag o sagot ni Tony Labrusca tungkol sa usaping sexual harassment/advancement/exploitation at ibang kaugnay na isyu rito.
Simpleng tanong lang daw kasi kung may na-experience ito, kung saan-saan na dinala ng hunk actor ang sagot.
Na kesyo aware siyang may ganoon sa showbiz, na physically ay nabibiktima ang mga gaya niyang “hunks” ng pagpantasya sa mga katawan nila, na kesyo may nababalitaan siyang pumapayag para sa advancement ng career etc, etc..
“Kaloka ‘di ba? Para siyang naging spokesperson ng mga biktima o na-sexually molested etc. Sasagot lang naman kung nangyari sa kanya o hindi, eh kung saan-saan pa dinala ang usapan,” ang tila naiiritang tsika ng aming mga kausap.
Ang ending nga, walang direktang isinagot si Tony kung na-experience ba niya o hindi. Kaya kayo na lang daw po ang humusga sa naging sagot niya hahaha!
Aguy!!!