PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
Si Cong. Richard Gomez ang panibagong aktor-politiko na nakatanggap ng matinding bashing sa socmed.
Nang dahil lang sa personal na opinyon na ipinahayag nito sa socmed tungkol sa paggamit ng bus lane kapag matindi ang traffic, pinukol ito ng negatibong reaksiyon.
Tinawag ng kung ano-ano si Goma. Ilan dito ang pagtawag sa kanya ng entitled, epal, papansin, politikong pulpol at iba pa.
Siyempre hindi naman ‘yun pinalampas ng aktor na kilala sa showbiz bilang vocal, outspoken at palaban din.
Sinabi nitong naglabas lang siya ng kanyang opinyon noong mga sandaling naranasan niya ang nararanasan ng lahat sa traffic.
Ang magandang naibunga ng pangyayari ay muling nakalampag ang mga ahensiya gaya ng MMDA at masusi nitong pinag-aaralan ang suhestiyon ni Goma.