Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manny V Pangilinan TV5 MVP

MVP umaksiyon agad program manager sibak

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMI ang pumupuri kay TV5 Chairman Manny V. Pangilinan dahil sa naging mabilis nitong pagtugon sa imbestigasyong ginawa hinggil sa kasong sexual harassment/molestation na idinulog sa show ni Sen. Raffy Tulfo.

Kaugnay ito ng reklamo ng isang bagong talent ng News and Current Affairs ng TV5 laban kay Cliff Gingco, program manager ng TV department.

At sa ginawa ngang imbestigasyon ng TV5 management, lumabas na may pananagutan ang nasabing opisyal kaya’t agaran nila itong sinibak sa trabaho.

Tinutulungan ngayon ng programa ni Sen Raffy ang biktima na nagsampa na nga ng kaso.

Kaysa pagpiyestahan pa sa Senate hearing ang kaugnay na kaso gaya ng nangyayari ngayon kina Sandro Muhlach at Gerald Santos, minabuti ng TV5 na sila na mismo ang magresolba ng problema sa bakuran nila.

Kaya naman pinupuri ang kompanya ni MVP dahil sa mabilis at makatarungang aksyon nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …