PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
LUMALABAS na ang pagiging natural actors ng mga kambal nina Aga at Charlene Muhlach.
Sa sitcom nilang Family Pers sa TV5, kapuna-puna ang pagiging natural actor nina Atasha at Andres kahit pa nga hindi nila kaeksena ang parents nila.
Nakaaaliw silang panoorin kapag may mga tinginan sila habang nakikipag-interact kina kuyang Dick Paulate, Ces Quizada at iba pa nilang mga kasama sa masayang sitcom.
Totoo ‘yung sinasabi nina Aga at Charlene na nakaka-miss ngang makapanood ng mga TV sitcom na chill lang at positive ang vibes.
Mabuti na lamang at hindi nagdalawang isip sina Aga at Charlene na i-produce ang Pers Family dahil bukod sa maganda nga itong opportunity para sa kanilang kambal, super worth it ang investment nila at nagpapasaya pa sila ng wagas.
And yes, wala pa ring kupas sina Aga at Charlene pagdating sa comedy.