Sunday , December 22 2024

Imbestigasyon ng Kamara sa EJKs magagamit ng ICC — Solon

073124 Hataw Frontpage

ni Gerry Baldo

KUNG ano man ang makalap ng  House Committee on Human Rights sa imbestigasyon nito sa extrajudicial killings noong nakaraang administrasyon ay maaaring gamitin ng  International Criminal Court (ICC) sa mga kasong isinampa laban kay dating Pangulo Rodrigo  Duterte at iba pang opisyal ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, chairman ng House committee on good government and public accountability, malalim ang ginagawang imbestigasyon ng Kamara de Representantes at kung ano man ang makalap dito ay maaaring gamitin bilang ebidensiya sa ICC.

“The outcome of this investigation can be used in filing in different courts,  and can be used also as evidence in the ICC,” ani Fernandez.

Isa sa mga nagbigay ng testimonya noong Lunes ay si dating Senadora Leila De Lima.

Si De Lima ay ikinulong noong panahon ni Duterte at ipinawalang sala ng korte sa mga patong-patong na asunto laban sa kanya.

Kinuwestiyon ni Senador Ronald “Bato” De La Rosa ang imbestigasyon ng Kamara. Wala, umanong karapatan ang Kamara para mag-imbestiga.

Ayon kay Fernandez, independiyente ang Kamara.

“We are an independent body, and we are discussing this thoroughly. It will be dependent on the chairman what to do with the committee report. And that can be used by anybody, particularly those victims of the [war on drugs],” paliwanag ni Fernandez.

Ayon kay De Lima nagkukulang ang pamahalaan sa pag-iimbestiga sa mga kasong kinasasangkutan ni Duterte at iba pang mga opisyal nito na sangkot sa EJKs.

“Masyado po silang nakukulangan… tangible, concrete, and progressive investigative steps,” ani De Lima, na ang tinutukoy ay ang assessment ng ICC na kapos sa lokal na proseso.

Desmayado si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante sa pag-snub ni Duterte at De La Rosa sa imbitasyon ng Kamara na dumalo sa sa pagdinig.

“We have sought to invite all those who can shed light on the different facets of this issue. Which is why it is regrettable that despite the assurances this committee has given, some key personalities have not taken the opportunity to air their side on the issue that had been raised,” ayon kay Abante.

“This committee does not want to be one-sided, and to avoid this, we have endeavored to hear all sides. The integrity of this inquiry depends on obtaining all the facts and hearing all the perspectives,” ani  Abante.

Sinagot din ni Abante si De La Rosa.

“I would like to answer the question of authority raised by Senator Bato dela Rosa, that this committee does not have any right to investigate. Well, let me tell the good senator, you’re a senator—we have the right according to our rules. You have been interviewed in the media, how I wish that you can be here and make it clear to us,” diin ni Abante.

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …