Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal, Rider

Krystall Herbal Oil proteksiyon ng rider laban sa pawis habang umuulan

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Rosalito Francisco, 45 years old, naninirahan sa Valenzuela City. Isa po akong delivery rider. Dati po akong taxi driver pero mula noong pandemic nang humina ang pasada sinikap kong makautang ng motorsiklo para makapagtrabaho bilang delivery rider.

Hanggang ngayon po ay iyon ang pinagkakakitaan ko at sa loob lang po ng dalawang taon ay nabayaran ko na ang motorsiklo.

Bilang rider po, ang problema ko ngay0ng tag-ulan ‘e ‘yung hindi namamalayan na natutuyuan na ng pawis ang likod ko, kasi medyo malamig ang panahon kapag ganitong umuulan. Pero dahil naka-jacket ako, normal na pawisan ang aking likod.

Pero may magandang solusyon na naisip si misis. Sabi niya, ihahaplos niya ang Krystall Herbal Oil sa aking likod para kapag pinawisan ako, hindi matutuyo sa likod ko, kasi nga may herbal oil. Pero sabi niya, kailangan may baon kang t-shirt para magpalit ka agad kapag ramdam mong na-absrob na ng t-shirt ang pawis.

Noong una ay hindi ko maintindihan kung ano ang kaugnayan ng pawis sa herbal oil, ‘yun pala kapag may haplos na Krystall Herbal Oil ang likod ko, ang pawis ay hindi matutuyo sa katawan kundi ia-absorb ng t-shirt.

Nakapagpapalit ako ng t-shirt kapag nakasilong ako dahil malakas ang buhos ng ulan. Sa ganitong paraan maiingatan ko ang aking kalusugan at hindi ako magkakasakit sa panahon na uso ang ubo at sipon dahil nga sa panahon na mainit tapos biglang uulan.

Sabi nga, sa sobrang mahal ng bigas, bawal magkasakit para huwag magutom ang pamilya.

At napakalaking bagay po, Sis Fely, na ang inyong mga imbensiyon — lalo ang Krystall Herbal Oil — ay katuwang namin sa pangangalaga ng aming kalusugan.

Maraming, maraming salamat po, at dasal namin ni misis na patuloy kayong i-bless ni God.

More power Sis Fely!       

ROSALITO FRANCISCO

Valenzuela City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …