Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
A blessed Monday po sa inyong lahat.
Ako po si Juanita Almario, 61 years old, retiradong empleyado sa private sector, naninirahan sa Pasay City. Sa kasalukuyan po ay naglalakad ako ng mga papeles ko para sa aking pension.
Gusto ko pong i-share na ako’y matagal nang gumagamit ng Krystall Herbal Oil. Lagi po akong may stocks nito kasi nga malaking tulong sa maraming bagay kung pangangalaga sa kalusugan ang pag-uusapan.
Ako naman po ay laking lola kaya alam ko ang alagang lola. Kaya naman hanggang ngayon, nakasanayan ko nang maghaplos ng Krystall Herbal Oil sa aking talampakan, binti, sa braso, sa tiyan, sa likod, at sa aking ulo.
Minsan po’y may naghahaplos sa akin pero mas madalas ay wala kaya inaayos ko po ang sistema para makapaghaplos ako maigi.
Kapag hindi po kasi ako nakapaghahaplos ng Krystall Herbal Oil parang may kulang sa buhay ko kaya maghapon akong hindi mapanatag.
Malaking kaigihan po sa akin kasi sa kabila na ako’y may hypertension ay hindi namamaga ang aking mga paa, daliri, at pinakikiramdaman ko po pati ang aking dibdib.
Ay malaking bagay po talaga Sis Fely. Kaya ako po’y labis na nagpapasalamat sa inyo, at sa Almighty God sa patuloy niyang pagpapala sa inyo.
God bless you even more.
JUANITA ALMARIO
Pasay City