Friday , November 22 2024
Navotas
Navotas

300 plus trainees nagtapos sa tech-voc skills sa Navotas

UMANI ang Navotas ng mahigit 347 skilled workers na nagsipagtapos sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Sa nasabing bilang, 20 ang nakakompleto at nakatanggap ng national certification (NC) I para sa Automotive Servicing, habang 43 ang pumasa sa NC II assessment para sa Barista; 40 ang Bread and Pastry Production, at 18 ang Food and Beverage Services.

Nasa 21 trainees ang nakatapos ng Electrical Installation and Maintenance; 13 Pagbibihis; 14 Massage Therapy; 52 Shielded Metal Arc Welding NC II; at 29, Housekeeping NC II.

Tatlumpo’t dalawang trainees din ang nakatapos ng Japanese Language and Culture, habang 65 trainees ang nakatapos ng Korean Language and Culture.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Mayor John Rey Tiangco sa mga nagsipagtapos ang mga sikreto ng tagumpay.

“Aside from continuous learning and constant upgrading of your skills and knowledge, you have to possess the right attitude to build good working relationships,” sabi ni Tiangco.

“Practice strong work ethic.  Always persevere to be the best version of yourself and find ways to be of more value to the industry or institution you are working for and the clients you serve,” dagdag niya.

Pinaalalahanan din ni Tiangco ang mga nagsipagtapos na sakaling magpasya silang ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay, malugod silang mag-enrol sa iba pang kursong teknikal-bokasyonal na iniaalok ng NAVOTAAS Institute.

Hinikayat niya ang mga trainees na mag-avail ng Tulong Puhunan at Tulong Negosyo programs ng lungsod kung nais nilang ituloy ang pagnenegosyo.

Ang Navotas ay kasalukuyang mayroong tatlong training center na nag-aalok ng libreng teknikal at vocational na kurso sa mga Navoteño. Ang mga hindi residente, sa kabilang banda, ay maaari rin mag-enroll nang may bayad.

Ang aktibidad ay isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng ika-17 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …