Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine-Spanish Friendship Day

NHCP: Diwa ng Pagkakaibigang Filipino-Español Lumaban para magmahal at hindi para mapoot

IPINAGDIWANG ng mga Bulakenyo ang 22nd Philippine-Spanish Friendship Day na sumesentro sa aral nitong matutong lumaban dahil sa pagmamahal at hindi para mapoot sa kapwa.

Iyan ang tinuran ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Executive Director Carminda Arevalo sa idinaos na programa para sa komemorasyon sa nasabing pagdiriwang na kasabay din ng Ika-126 Anibersaryo ng Kabayanihan ni Col. Simon Tecson at mga kasamahan niyang Katipunerong taga-San Miguel, Bulacan.

Mauugat ang kanilang kabayanihan at pagiging makatao nang mapayapang mapasuko ng tropa ni Col. Tecson ang huling puwersa ng mga Kastila na 367 araw nang nagkukubkob sa loob ng simbahan ng Baler, Tayabas na ngayon ay sakop na ng lalawigan ng Aurora.

Nabigo ang unang apat na pagpapasuko ng iba pang grupo ng mga rebolusyonaryong Filipino.

Bukod tanging ang mga Katipunerong taga-San Miguel, Bulacan na pinangungunahan ni Col. Tecson ang nakapagpasuko sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga nagkukubling mga Kastila ng pagkain at maiinom na tubig.

Base sa mga batayang pangkasaysayan ng NHCP, naawa ang mga rebolusyonaryo imbes pagpapatayin ang mga Kastilang naghihikahos sa gutom at uhaw bunsod ng mahabang panahon nang pagtatago.

Nang tuluyang sumuko ang nasabing huling puwersa ng mga Kastila, muling umiral ang pagiging makatao ng mga katipunerong taga-San Miguel.

At imbes dakpin, minarapat na pabalikin sila sa Espanya.

Pinabigyan sila ni noo’y Pangulong Emilio Aguinaldo ng departure honors bilang tanda ng pabaon ng pagmamalasakit.

Dagdag ni Arevalo, ito ang naging batayan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo upang ipasa sa Ika-12 Kongreso noong 2003 ang RA 9187 na nagdedeklara sa petsang 30 Hunyo kada taon bilang Philippine-Spanish Friendship Day.

Layunin nitong maging oportunidad ang taunang okasyon upang lalong mag-ibayo ang pagpapalago at pagpapatibay ng diplomatikong relasyon ng Republika ng Filipinas at ang Kaharian ng Espanya.

Kaugnay nito, binigyang diin ni First Secretary Alvaro Garcia ng Embassy of the Kingdom of Spain sa Filipinas na sa pagdaan ng panahon, lumalawak ang “Mutual Opportunities” ng dalawang bansa.

               Patunay aniya rito ang pagbubukas ng mga oportunidad para sa kooperasyong pang-ekonomiya kabilang ang paglalagak ng kapital ng mga mamumuhunang Espanyol sa pagtatayo ng mga impraestruktura at makabagong transportasyon.

Halimbawa rito ang ambag ng Spanish-firm na Acciona sa North-South Commuter Railway Project na ngayon ay nasa kasagagan ang konstruksiyon.

Patuloy rin ang pagbubuo ng 56 bagon o rolling stocks ng joint venture ng Construcciones y Auxiliar de Ferrocarriles ng Espanya at Mitsubishi Corporation ng Japan.

Tiniyak ni Garcia na isang kaalyado na ngayon ng Filipinas ang Espanya sa paninindigan para sa teritoryo at soberenya.

Matatandaan na kabilang ang Espanya sa mga bansang kasapi ng European Union (EU) na nagpahayag ng suporta para kilalanin na legally binding ang 2016 Arbitral Ruling ng Permanent Court of Arbitration, kaugnay ng karapatan at pag-aari ng Filipinas sa West Philippine Sea. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …