Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Gabby Concepcion Raphael Landicho

Marian at Gabby’s series tinututukan hanggang dulo 

RATED R
ni Rommel Gonzales

PATULOY na tinatangkilik ng viewers ang My Guardian Alien na ngayon ay nasa finale week na. 

Mula nang umere ito noong April 1, consistent ang mataas na ratings at positive feedback sa out-of-this-world at inspiring na kuwento ng serye. 

Komento ng ilang netizens sa GMA Network YouTube channel, “Wala akong masabi kundi magagaling silang lahat. Mabilis ang kuwento kasi walang paikot-ikot kaya maganda ang kinalabasan. ‘Yung mga kontrabida may pinaghuhugutan din hindi ‘yung ang babaw ng reason and alam ko naman na may character development sila.”

Kaya naman for sure, marami ang makaka-miss sa buong cast lalo na sa nakakikilig na tandem nina  Marian Rivera at bankable leading man Gabby Concepcion“Gusto namin ‘yung ganito sobrang gaan panoorin, hindi nakaka-stress, at pwede sa buong pamilya. Sana may season 2!”

Sa nalalapit na pagtatapos ng My Guardian Alien, inaabangan na ng fans kung magkakaroon ba ng happy ending sina Grace (Marian) at Carlos (Gabby). Mabubuo pa kaya ang kanilang dream family kasama si Doy (Raphael Landicho) kung aalis din naman sa Earth ang kanilang most-loved alien?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …