Sunday , April 27 2025
TMFF The Manila Film Festival 2024

Tabing ng TMFF ‘24 ibinaba na pelikulang “Three for 100” kinilalang Best Film

PORMAL nang ibinaba ang tabing ng “The Manila Film Festival 2024” noong Martes ng gabi sa Bulwagang Antonio Villegas sa Manila City Hall bilang hudyat ng pagtatapos ng Pista ng Pelikulang Pilipino, at itinanghal na Best Film ang obra ni Cedric Labadia na “Three for 100 o ang tamang pormal na pag-uukay at iba pang mga bagay-bagay, I think!”

Naging matagumpay ang Gabi ng Parangal, hindi lamang sa pagkilala ng walong mahuhusay na obrang short film ng student filmmakers, kundi maliwanag na naihatid ng walong pelikula ang mensahe sa mga manonood, partikular sa mga Manileño na tumangkilik nito sa Robinsons Manila at Robinsons Magnolia.

Sabi nga ni Vice Mayor Yul Servo: “Salamat at minsan pa ay nabigyang daan ng The Manila Film Festival ang mga kakaibang talento ng ating student filmmakers sa pagpapakita ng kanilang kakaiba o orihinal na kuwento sa pamamagitan ng short film.”

Sa kanyang closing remark, sinabi ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, sa pagsasara ng TMFF ‘24 ay pormal niyang binubuksan ang pagsisimula ng “The Manila Film Festival 2025” at inaasahan niyang higit na maraming student filmmakers sa buong bansa ang magpapadala ng kanilang entry para sa mas malaking festival sa susunod na taon.

Nagkaloob ng karagdagang cash si Lacuna sa walong direktor na kalahok sa TMFF.

Ang mga nanalo sa katatapos na TMFF ay ang mga sumusunod: Best Editing – Migui Francisco; An Kuan

Best Musical Score; Jose Buencamino, Una’t Huling Sakay; Best Production Design – Baj San Jose, threefor100: o ang tamang porma ng pag uukay at iba pang mga bagay-bagay, i think!; Best Cinematography

– Robert Pareja, Una’t Huling Sakay; Best Screenplay

– Joyce Ramos & Sharlene Pineda, An Kuan; Best Actor

– Gold Aceron, Una’t Huling Sakay; Best Actress

– Amber Jeshley Gomez (Happy (M)others Day!) & Gillian Vicencio (Ditas Pinamalas); Jury Prize

– Una’t Huling Sakay; People’s Choice – Happy (M)others Day!; Best Film – threefor100: o ang tamang porma ng pag uukay at iba pang mga bagay-bagay, i think!; Best Director – Cedrick Labadia, threefor100: o ang tamang porma ng pag uukay at iba pang mga bagay-bagay, i think!

Pinagkalooban ng simbolikong “Key to the City of Manila” ang apat na director na itinampok sa “The Manila Film Festival.”

Sila ay sina Lorenzo Pepe Diokno ng Lumang Tugtugin, Sigrid Bernardo ng May at Nila, Dwein Baltazar ng Nananahan, at JP Habac ng Shortest Day, Longest Night.

Ang The Manila Film Festival 2024 ay pinamahalaan ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) sa ilalim ni Charlie Dungo bilang direktor.

(BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …

Aira Lopez bday Mark Leviste

Aira Lopez may kilig birthday surprise

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, …

Anthony Rosaldo Wish Bus

Anthony Rosaldo nagpasiklab sa The Roadshow ng Wish Bus

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG solid performance ang inihatid ni Anthony Rosaldo sa The Roadshow ng Wish 107.5 Busnoong April …