PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
“KAPAG may sasabihin ako, baka walang manood ng movie niya,” ang soundbyte na narinig kay Kim Chiu na kumakalat ngayon sa socmed.
Kaugnay pa rin ito ng sagot niya sa naging panawagan ni Xian Lim na pagsabihan ng aktres ang mga basher na nagpapadala ng death threats sa kanya at sa pamilya niya.
For the first and last time nga ay nagsalita na si Kim sa nangyaring paghihiwalay nila ni Xian.
Nasa Dubai ngayon si Kim kasama si Paulo Avelino for a show at bahagi pa rin nga ang naturang show sa malakas na request ng Filipino community na magkasama sila.
Susundan ito ng malaking pagdiriwang sa USA na ang KimPau pa rin ang ini-request kaya’t mas bongga nga naman na ‘wag na lang talk si Kim dahil umaani siya ng tagumpay sa career and yes, sa lovelife.
Huwag na huwag ng uriratin pang magsalita para may manood naman ng movie ni Xian.
‘Yun na!