Sunday , December 22 2024
Debbie Lopez Ice Seguerra

Music app online singer wish maka-collab si Ice

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGSIMULA sa Sessions Live Music Stream ang singer na si Debbie Lopez.

“It’s a worldwide app,” bungad na sabi ni Debbie. “roon ako nakilala as a singer, tapos nag-ano ako sa App Live, Starmaker, all the apps I joined doon ako nakilala.”

Taong 2019 nagsimula si Debbie sa mga music apps online.

Bakit sa mga music app online siya nagsimulang maging singer?

“One of the scouts in Sessions Live, said to me, ‘Would you like to audition a song?’

Tapos natanggap ako. Kasama ko roon si Jeffrey Hidalgo, MYMP is there, other artists worldwide, Boyce Avenue, mga K-pop, andoon din.”

Kilala raw siya roon sa screen name na DjDebbz.

“Kasi nag-aano ako ng home service for the disc jockey, ‘yung sa controller talaga.”

Mas nag-e-enjoy si Debbie bilang singer kaysa pagdi-DJ. Ano ang music genre niya?

“Mostly ako I do love Taylor Swift, all the millennial songs, RnB ang genre ko, I love Ice Seguerra.”

Kapag nagkaroon na raw siya ng malaking konsiyerto ay si Ice ang nais niyang maging special guest.

Mula noong Aiza pa lamang si Ice ay paborito na ito ni Debbie although hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataon na makilala sa personal ang singer.

Paborito rin ni Debbie si Belle Mariano at ang kanta nitong Rise.

Sa ngayon ay sa mga event nagtatanghal si Debbie bilang singer.

Celebrity crush naman ni Debbie si JM de Guzman na bukod sa mahusay na aktor ay magaling ding singer.

Hindi pa rin niya nakikila si JM pero may follower si Debbie na pinadalhan siya ng video greeting mula kay JM.

Paborito rin ni Debbie ang singer/songwriter na si Sam Mangubat.

DJ pa rin si Debbie sa mga online radio stations sa Baguio.

“Tatlo ‘yung radio stations ko, KISS FM Kilig 102.7, 2dayFM tapos Your Hope Radio 92.8.

“May coming ako, Galaxy 99.9 sa UK pero ‘yung founder all Filipinos,” kuwento pa ni Debbie.

Sa Baguio nakabase si Debbie at lumuluwas siya ng Maynila kapag may event. At dahil disc jockey at singer at the same time, pangarap ni Debbie na balang-araw ay mga kanta na niya mismo ang pinatutugtog niya sa kanyang radio program.

Taong 2022 nagsimula maging disc jockey si Debbie na nakuha sa pamamagitan ng pag-a-audition.

Ini-record naman ni Debbie ang kantang Ang Higugmaon Ka na mapapanood sa Youtube channel ni Kuya Bryan na siyang composer ng nabanggit na Cebuano song.

Paglalarawan ni Debbie  sa Ang Higugmaon Ka, “It’s a ballad song, it’s about love. For example ako may minahal akong lalaki, tapos ‘yung lalaki may mahal na iba.

“Tapos hoping that he will realize na mahal ko siyan.”

Available sa Spotify at iba pang music platforms ang kanta ni Debbie.

Given a chance, nais subukan ni Debbie ang pag-aartista at si Kim Chiu ang paborito niyang aktres.

Single si Debbie at walang karelasyon sa ngayon.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …