Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Magandang araw po sa inyo.
Umuulan na nga, pero hindi pa rin tapos ang tag-init. At alam natin na kapag ganitong panahon naglalabasan ang kung ano-anong insekto kabilang ang pula at maliliit na langgam na super-sakit at super- kati kapag nakakagat.
Ako po si Nhesia Aragon, 37 anyos, taga-Novaliches, Quezon City.
At ‘yun nga po, isang araw paggising ko, pinapak na ako ng maliliit at pulang langgam. Ay naku, grabe ang pamumula at kati. Nilagyan ko ng menthol ointment, nilagyan ng alcohol, pinunasan ng suka, pero mabilis din bumaballik ang pangangati.
Tiyempo namang dumalaw ang nanay ko at nakita nga ang maliliit, mapupulang pantal na ang iba ay nagsugat na dahil nga panay ang kamot ko.
Ay naku, sabi ng nanay ko, heto, heto ang ilagay mo, sabay labas ng maliit na botelyang may tatak na kulay green — ang Krystal Herbal Oil.
Agad kong kinuha ang bote ng Krystall Herbal Oil tapos inihaplos ko sa mga kagat ng langgam sa braso, sa hita, sa likod. Nagpatulong din ako sa nanay ko na lagyan ako ng oil sa likod. Tuloy-tuloy ang haplos halos 15 minutos hanggang hindi ko na maramdaman ang kati. After another 15 minutes, aba nawala na rin ang marka ng mga pantal. Ay talagang kahit ako ay manghang-mangha sa galing ng Krystall Herbal Oil.
Maraming, maraming salamat po Sis Fely. Tunay na napakahusay ng inyong imbensiyon. Nawa’y patuloy po kayong basbasan ng mas maraming biyaya at kagalingan upang higit pang makatuklas ng mga imbensiyon na makatutulong sa maraming tao.
God bless po.
NHESIA ARAGON
Novaliches, QC