Sunday , December 22 2024
Beaver Magtalas Maxine Trinidad Mutya Orquia

Mutya, Maxine, Beaver pinagkaguluhan ng mga Nuevacijano; When Magic Hurts pinuno 3 sinehan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DINUMOG ng mga Nuevacijano ang red carpet screening ng When Magic Hurts noong Linggo ng hapon na ginanap sa NE Pacific Mall sa Cabanatuan.

Bago ang red carpet screening ay nagkaroon muna ng  motorcade sa Cabanatuan noong umaga na talaga namang dinumog din at inabangan ang mga bida ng When Magic Hurts lalo na sina Beaver Magtalas, Maxine Trinidad, at Mutya Orquia.

Lumibot din sa buong Cabanatuan ang iba pang mga bida sa When Magic Hurts tulad nina Claudine Barretto, Dennis Padilla, Dennah Bautista, Aileen Papin, at Angelica Jones. Kaya naman animo’y fiesta sa lugar sa napakasayang pagsalubong ng mga Nuevacijano sa mga artista ng When Magic Hurts.

Nagkaroon ng dalawang screening sa tatlong sinehan sa NE Pacific Mall na parehong punompuno ng mga tagapanood at talagang sinuportahan nila ng todo ang kanilang kababayang si Biever.

Panalo ang Rems Entertainment sa paghahatid-saya kasama ang IGMM Production at Azinite Digicinema Inc ng isang maipagmamalaking pelikula na hindi lang magandang istorya ang ipinakita maging ang napakagandang lugar sa Atok, Benguet.

Bago ang screening noong Linggo, nakausap namin ang tatlong bida ng pelikula at lahat sila’y looking forward na magustuhan hindi lamang ng mga taga-Nueva Ecija ang kanilang pelikula maging ng mga manonood nito sa May 22 sa mga sinehan nationwide.

Ani Beaver, masaya siya na nabigyang pagkakataon na magkaroon ng premiere night sa kanyang hometown. “I’m really happy, nabigyan talaga ako ng opportunity to show it here, this is my first big movie, I want to show it here sa mga kapwa ko Nievacijano, and of course to my family and friends here. Hindi na nila kailangan lumuwas to see it although nationwide naman ang showing. Sana mabigyan lang ng positive reviews.”

Anyway, kapwa bagay sina Mutya at Maxine kay Beaver kaya natanong ang binata kung sino ba ang pipiliin niya sa dalawa?

Sagot ni Beaver, “Siguro ngayon work muna kami pare-pareho.”

Sa totoo lang masaya si Biever na makatrabaho ang dalawa. “They are both professional and it’s fun to work with them. ‘Yung bond po namin madali kaming kumonek and comfortable sa isa’t isa.”

Puring-puri naman ni Maxine si Mutya bilang ang huli ang pinakamatagal na sa kanila sa larangan ng akting. “It’s just so amazing working with Mutya and lagi ko inulit-ulit na nakikita ko lang siya before sa TV ngayon nakatrabaho ko na s’ya sobrang bait and down to earth. Sa tagal na niya sa industriya hindi nagbago and nothing change. Siyempre andoon pa rin pagiging fan ko.

“Si Beaver he’s such a gentleman aside from good looking. He alway’s asked how are we, very professional when it comes to work and makikita mo very determined s’ya sa work. Yung dedication ng bawat isa nakita ko rin,” sabi pa ni Maxine. 

Happy ako and feeling ko naging magaan ang pag-shoot namin kasi bery professional ang dalawang ito and willing silang mag-explore and matuto pa,” sabi naman ni Mutya.

Hindi naman ine-expect ni Maxine na magiging isa siya sa maincast. “Sobra nga po ang tuwa ko at kahit one line ako rito gagawin ko talaga ang best ko. Sobrang blessed ko rin na kahit hindi ko pa hinihingi kay God ibinigay na niya,” nakangiting turing ni Maxine.

Hindi naman itonago ng tatlong bida na kabado sila sa nalalapit na showing ng When Magic Hurts sa May 22. 

“It’s also part of thrill din naman of working and pressured talaga,” anang gwapong-gwapong si Beaver.

Sa huli umaasa ang tatlo na muli silang magkakatrabaho at masundan pa ng teleserye o pelikula uli.

Palabas na sa May 22 ang When Magic Hurts sa mga sinehan nationwide. Ito ay idinirehe ni Gabby Ramos.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …