SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
IKATLONG pelikula na nina Kim Molina, Jerald Napoles, at Direk Darryl Yap ang pelikulang Seoulmeyt ng Viva Films. Una silang nagsama-sama sa Jowable noong 2019 at sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam noong 2021.
Pero muntik na palang hindi matuloy ang ikatlong pelikula dahil sa politika.
Sa pagsisiwalat ni direk Darryl hindi naiwasang maluha ni Kim dahil sa una palang nilang pagsasama, sa pelikulang Jowable, magkahawak kamay nilang sinabi sa isa’t isa na iyon ang umpisa ng kanilang mga pangarap.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, naabutan ng eleksiyon ang dapat sana’y umpisa ng shooting ng ikatatlong pelikula. Na dahil sa magkakaiba ng sinuportahan, naapektuhan ang friendship nila. Nagkaroon ng hindi pag-uusap kaya nabinbin ang shooting.
Pero mas nanaig ang pagkakaibigan, natuloy ang proyekto.
“It was a Del Rosario issue, it was an issue for the bosses, way back 2022, kung paano kami mag-work together nang hindi kami nag-uusap pa.
“Na-move nang na-move hanggang sa birthday ni Boss Vic (del Rosario), October 2022, doon kami nagkita-kita tapos all of a sudden, sabi sa akin ni Boss Vic, ‘ Pumunta ka na to break the ice para hindi na kayo awkward ni Kim.’
“Doon kami nagkita ni Kim for the first time after the elections.”
Inihayag pa ni direk Darryl na 2024 na sila naging ok ni Kim.
“Pero I never recall na mayroon akong sama ng loob kay Kim,” anang direktor.
Ang Seoulmeyt ay Isang K-drama fanatic na matatagpuan na sa wakas ang “oppa” na kanyang pinapangarap.
Isa itong romantic-comedy na mapapanood sa mga sinehan sa May 29, 2024.
Tampok sa Seoulmeyt na ika-16 film ni Darryl ang kuwento ng isang social worker at K-drama fan na mula sa isang komunidad na sinalanta at napinsala ng bagyo.
Isang araw, isang kompanya mula Korea ang mag-aalok ng magandang oportunidad na bilhin ang lupa at magtayo roon ng isang port. Ipinangako sa mga residente na magbibigay ito ng mga bagong trabaho at mas magagandang pamamahay. Bilang community leader, si Lunie ang makikipag-negosasyon sa anak ng may-ari ng kompanya na si Park Ju Tae (ginagampanan ng Korean actor na si Ha Ju-young).
Dahil ayaw makipagkita ni Ju Tae sa mga may-ari ng lupa, aatasan niya ang kanyang makulit na assistant na si Juanito “Jun” Mamaril (Jerald) na gawin ang trabaho. Mapipilitan si Jun na magpanggap bilang kapatid ni Ju Tae, kaya magta-transform ito bilang Park Jun Jun, isang Koreanong negosyante.
Ang Seoulmeyt ay muka Viva Films at VinCentiments na nakipagsanib-puwersa sa Film Line Productions mula Korea, na tumulong din sa pag-produce ng iba pang pelikula ng Viva tulad ng Indakat Yung Libro Sa Napanood Ko.
Kasama rin sa pelikula sina Candy Pangilinan, Alma Moreno, at Isay Alvarez.