Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Itan Rosales Christine Bermas

Itan Rosales, peg si Paul Walker sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG klaseng pelikula ang Kaskasero na pinagbibidahan ni Itan Rosales.

Ayon sa guwapitong talent ni Ms. Len Carrillo, first time lang magkakaroom ng ganitong pelikula sa Vivamax, na mala-Fast & Furious ang dating.

Wika ng guwapitong hunk actor, “Etong movie namin na Kaskasero, ngayon lang magkakaroon ng ganitong genre sa Vivamax na parang ang peg ay mala-Fast & Furious, may action po talaga na mapapanood dito, like yung mga car racing.

“Para po akong si Paul Walker dito sa movie. Biro nga nila, dapat mas astig, kaya Paul Runner (at hindi lang Paul Walker) ang dapat na maging peg ko, hahaha!”

Pagpapatuloy pa ni Itan, “Ang kapartner ko po rito ay sina Christine Bermas at si Angela Morena. Sobrang gaan nila katrabaho, sobrang professional, sobrang bait, and sobrang welcoming nila.”

“Siyempre po may churbabahan dito, sa Vivamax po ito mapapanood, e, hahahaha!” Nakatawang reaction pa ng aktor nang usisain kung may mga maiinit na love scenes ba sa kanilang movie.

Mahilig ba talaga siya sa mabibilis na kotse?

Esplika ni Itan, “Mahilig po talaga ako sa mga sasakyan, sa mga mabibilis na kotse, pero takot din kasi akong mapatakbo nang mabilis, dahil noon ay nadisgrasya na ako, e. Matagal na po yun, hindi naman ako naano, pero nabangga ko iyong sasakyan.”

Si Itan ay unang napanood sa pelikulang Fall Guy at ang Langitngit naman ang launching movie niya last year. Dito’y napansin nang husto ang kanyang pagkakaroon ng image na lover boy na matinik sa romansahan.

Siya ay bahagi rin ng all-male sing and dance group na VMX V.

Anyway, kasama rin sa Kaskasero sina Marco Gomez, Quinn Carrillo, Angelica Cervantes, Rica Gonzales, Calvin Reyes, Karl Aquino, Mon Mendoza, Krizzia Mendoza, Jhai Salvador, Cess Garcia, Thia Ledesma, AJ Oteyza, Elmo Elarmo Jr.,  Ledesma, at marami pang iba.

Ito ay mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo sa direksiyon ni Direk Ludwig Peralta, creative director si Direk Sid Pascua, at Assistant Direktor naman si Quinn Carrillo.

Inusisa rin namin si Itan kung kanino mas matindi ang love scene niya sa Kaskasero.

Aniya, “Siguro ay kay Angela Morena, kasi ang love scene ko sa kanya ay wild po talaga. And iyong kay Cristine naman, ang love scene namin ay may halong love po talaga.”

Aminado rin siyang nag-enjoy nang husto sa paggawa ng pelikulang Kaskasero. “Yes po, nag-enjoy ako sa pelikulang ito, sobra! Hindi lang dahil sa sobrang dami kong kasamang magagaling na artista, sobra kasing welcoming ng production at sobrang maalaga sila.”

Nagpasalamat din siya sa kanilang direktor.”Sina Direk Sid at Direk, sobrang galing niyan at salamat sa iyo direk na pinagkatiwalaan mo akong mag-lead dito sa Kaskasero. Kahit na hindi ako marunong sa manual na sasakyan, marunong lang ako automatic… So, ang sasakyan na dapat dito is manual, ginawa lang namin siyang automatic…

“Sobrang daming aabangan dito, hindi lang sa car racing, hindi lang sa maiinit na love scenes, kundi iyong mabubuong love story po sa pelikula,” pahabol na esplika pa ni Itan.

Bukod sa pelikulang Kaskasero, ang isa pang aabangan kay Itan ay ang Only Friends with Robb Guinto, na napabalita noon na naging super-close sa aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …