Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leandro Baldemor Rosanna Roces Priscilla Almeda

Leandro iniukit si Osang na mala-Si Malakas at Si Maganda

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAALIW kami sa kuwento ni Leandro Baldemor ukol sa insidenteng ‘pinaglaruan’ siya ni Rosanna Roces habang ginagawa ang pelikulang pinagsamahan nila, ang Patikim Ng Pinya noong 1996.

Ani Leandro nang makausap namin ito sa kanyang tahanan sa Paete, Laguna nang dalawin namin ito roon, pinagtripan siya noon ni Osang. 

Napag-usapan ang ukol kay Osang dahil may inukit siyang kahoy bilang pag-immortalize niya sa tandem nila ng aktres. Mala-si Maganda at si Malakas na naka-display sa labas ng kanyang bahay malapit sa pool ang naturang artwork kaya imposibleng hindi mapansin.

Taong 2016 niya ginawa ang artwork sa loob ng tatlong buwan. 

Wala kaming pictorial na ganito, sa imahinasyon ko lang. At saka nitong 2016 ko lang nagawa kasi hindi pa naman ako noon sanay mag-ukit noong ginagawa namin ni Osang ang movie,” sabi pa ni Leandro na prominente ang butt ni Leandro at boobs ni Osang sa inukit na kahoy.

Hindi pa iyon nakikita ni Osang. Wala naman siyang intensiyong ibigay iyon sa aktres dahil remembrance niya iyon sa ginawa nilang pelikula.

Samantala, sa pag-alala ni Leandro sa mga eksena nila ni Osang sa kanilang photo shoot, sinabi nitong medyo gulat siya sa nangyari. 

“Naka-brief ako noon, nakaibabaw sa akin si Osang, kinaskas naman nang kinaskas!” natatawang pagbabalik-tanaw na kuwento ni Leandro.

Hindi ko sinabing inintensiyon niya. Kasi hindi ko alam kung ano ba ‘yung tama. Kasi hindi ko alam kung talagang lumapat or whatever. Basta’t ang naramdaman ko, iba! Siyempre first time. Aba, p*t@ng ina! Ha-hahaha!

“‘Yung 18 years old ako noon, siyempre mapusok pa ako. At saka hindi ko alam, ano pa naman, hindi ko makalilimutan ‘yung panty ni Osang doon, ‘yung lace. Kaya mababaliw ka talaga kay Osang!” nakangiting kwento pa ni Leandro.

Natanong si Leandro kung nabaliw siya noon kay Osang, at sinagot niya ito ng, “Lahat naman. Lahat naman, oo, lahat. Sobra, sobra!” ani Leandro at iginiit na walang nangyari sa kanila ni Osang.

Hindi ko natikman ang pinya! Ha-hahahaha!

“Actually, para niya akong kapatid na bata,” sabi pa ng aktor.

Ukol naman kay Priscilla Almeda na naka-partner din niya sa pelikula sa Seiko, sinabi ni Leandro na malapit niyang kaibigan ang aktres.

Parehas din lang naman. Kaso si Osang, nandoon ‘yung pagka-ate, eh. Na ganito, ganito. Guide, guide, guide. Guide ka, kasi batambata pa ako noon.”

Sinabi rin ni Leandro na malaki ang utang na loob niya kina Osang at  Abby (Priscilla).

Lalo kay Abby, malaki ang utang na loob ko. Kasi ‘yung Sariwa, si Abby ang pumili na ako ang maging leading man niya. On the spot,” anito.

Muling nagkasama sina Leandro at Priscilla noong 2022 sa Lolong ng GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …