RATED R
ni Rommel Gonzales
MAY pressure kay Anthony Davao na matapos ang mga supporting role niya sa mga nakaraan niyang proyekto para sa Vivamax ay male lead na siya ngayon sa Lady Guard bilang supervisor ng warehouse na si Janus.
“Oh yes,” bulalas ni Anthony. “Actually it’s my first lead role and andoon na nga ‘yung pressure and the pressure really motivates me.
“I mean, I do want to work under pressure mas ginagalingan ko siya kapag ganoon.
“Kapag walang pressure it’s like I’m not working at all.
“It’s like I work when it’s hard and I don’t work if it’s not hard, something like that.”
Lead female stars sa Lady Guard sina Angela Morena (bilang si Estelle) at Irish Tan (bilang si Meryl) at ito ay sa direksiyon ni Bobby Bonifacio at available na ngayon for streaming.