PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
AT dahil pampa-tanggal init na lang din ang usapan, may bagong offering ang Vivamax, ang Dirty Ice Cream.
Nakakaloka pero sa gitna talaga ng maiinit na eksena ng mga bida ritong sina
Christy Mae Imperial, Jem Milton, Yda Manzano, Candy Veloso,Ghion Layug, at Seonwoo Kim,dirty ice cream talaga ang backdrop nito.
Mula sa iba’t ibang flavor gaya ng cheese, mango, ube, strawberry at iba pa, iniimbitahan ng cast na mapanood sa Vivamax ang movie hindi lang dahil sa sarap na mararamdaman nila kundi makukonek daw talaga sa pagkain ng dirty ice cream ang mga eksena rito.
Ay ganoon?! Hindi pala pampapatanggal init ang goal ng Dirty Ice Cream dahil dagdag init pala gawa ng eksenang for adults only.
But come to think of it, napaka-witty ng title at talagang isinabay pa sa tindi ng init ng panahon natin sa ngayon.
Makakain na nga rin ng dirty ice cream!