SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI magkandaugaga ang fans ng KimPau nang bumulaga si Kim Chiu sa red carpet premiere night ng pelikula nina Paulo Avelino at Kylie Verzosa, ang Elevator na ginanap sa Cinema 4 & 7 ng SM North Edsa.
Sinuportahan nga ni Kim si Paulo sa Elevator movie nito kaya naman ‘di magkamayaw ang fans nila sa si Paulo sa pelikula nitong Elevator. Dumating si Kim suot ang napaka-seksing venus cut dress kaya naman hindi magkamayaw ang kanilang fans. Kami ngang press ay nahirapang lapitan si Kim dahil dinumog na ito ng fans.
Bagamat nauna si Kim sa SM Cinema agad namang nilapitan ito at hinalikan ni Paulo nang magkita sa loob ng sinehan kaya lalong nagkagulo ang fans.
Ani Kim, dumalo siya sa premiere night ng Elevator bilang support sa kanyang leading man sa Linlangat What’s Wrong With Secretary Kim gayundin sa leading lady nitong si Kylie.
“Everyone is here from ‘What’s Wrong with secretary Kim?!’ direk, and even the staff, let’s go Paulo!
“Sana support natin Philippine cinema dahil bumabalik na after the pandemic. It is a good way to destress,” anang dalaga.
Natanong si Kim kung ano ang expectation niya sa pelikula ni Paulo na
sinagot niya ng, “‘Pag si Paulo binibigyan ng role, ginagawa niya ng sobra.”
Na-enjoy namin ang feel-good movie nina Pau at Kylie. Sabay-sabay lang kaming nagtinginang magkakatabi sa eksenang halikan ng dalawa. At nasabi rin naman, ‘naku! Paktay! Magselos kaya si Kim?!’ Kasi naman ang ganda ng shot ni direk Philip King sa eksenang iyon. Na parang gustong ipakita na inlan ang kanyang mga bida sa pelikula.
Ang Elevator ay isang inspiring movie na ukol sa kung paano magsumikap at magtrabaho ng marangal ang ating mga OFW.
Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa Singapore na gumaganap na elevator boy si Paulo habang si Kylie naman ang dyowa ng mayamang negosyante na mai-involve sa kanya na siyang pagsisimulan ng twists and turns ng istorya.
“It’s something that would inspire you not just for your career but also sa outlook mo in life,” ani Paulo sa panayam sa kanya ng press.
Showing na ang Elevator sa mga sinehan nationwide na prodyus ng Viva Films, Rein Entertainment, Cineko Productions, at Studio Viva.