Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeri Violago

Jeri muling mamahalin sa Hindi Ka Mag-iisa, lyrics at music nakaka-LSS

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAKA-LSS ang second single ni Jeri Violago, ang Hindi Ka Mag-Iisa na sa unang beses na narinig namin ay nagustuhan na namin agad. Maganda kasi.

Kaya hindi kataka-taka na ganito rin ang reaksiyon ng mga nakakarinig. ‘Yung agad na tumatatak sa kanila ang lyrics gayundin ang melody ng kanta.

Ang Hindi Ka Mag-iisa ay mula sa Tarsier Records, isa sa mga record label na pag-aari ng Star Musicat ABS-CBN. Ito ang follow-up track sa matagumpay at unang single na ini-release ni Jeri na Gusto Kita na naging theme song ng maraming kabataan para sa kanilang mga crush.

Sa tagumpay ng Gusto Kita unti-unti nang gumagawa ng sariling marka si Jeri sa music industry. ‘Di ba nga itinanghal siyang Best New Male Artist sa Aliw Awards last year.

Sa launching ng 2nd single ni Jeri naikuwento nitong marami pa siyang kanta na natapos na niya at magiging bahagi ng kanyang debut album na ilalabas na very soon. Iniisa-isa lamang ang paglulunsad para mapakinggan nga naman lahat at hindi masayang.

Aniya, “May mga kantang tapos ko na. Pero ang gusto ng Tarsier Music is isa-isa ’yung ipino-promote, inilalabas para focused talaga ’yung kanta.”

Relatable rin ang second single ni Jeri dahil bukod sa universal theme nito about love na marami ang nakare-relate na kabataan, talagang ma-e-LSS ka sa kanta at mapapasabay ka sa lyric nito.

I like how I’m able to express myself and it makes me more confident. Sana nga po mabigyan pa ako ng more opportunities to perform, sabi ni Jeri na wish maka-collab si Zack Tabudlo at ang Ben&Ben gayundin ang mga bandang The Juans, Lola Amour at SunKissed Lola.

Dumalo sa launching ng 2nd single ni Jeri ang OPM icon at award-winning songwriter na si Vehnee Saturno gayundin ang content creator at talent manager na si Ogie Diaz.

Jeri has all the good qualities to make him a top singing heartthrob. He’s got a good voice, he’s well bred, he’s good looking and very talented and he has great appeal to the fans,” ani Vehnee.

Available na ang mga kanta ni Jeri sa iba’t ibang digital music platforms.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …