Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shiena Yu Reina Castillo

Sheina Yu gustong matikman kapwa Vivamax star na si Reina Castillo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAPANG, palaban, walang inuurungan. Ito ang tingin namin sa isa sa bida ng Wanted: Girlfriend si Shiena Yu na kasalukuyan nang napapanood sa Vivamax kasama sina, Reina Castillo at Yuki Sakamoto na idinirehe ni Rember Gelera.

Natanong kasi ito kung naranasan na niyang magkaroon ng intimate scene sa kapwa babae. At walang kagatol-gatol na sinabi nitong enjoy siyang karomansahan ang babae dahil iba ang pakiramdam niya. 

Ang hot pala kapag girl ang ka-anuhan (ka-lovescene) mo kasi madalas lalaki kaya noong na-try ko sa girl ang hot. Nakaka-el,” pag-amin ni Shiena.

Sinabi pa ni Shiena na nanghihinayang siya sa pelikulang Wanted: Girlfriend dahil wala silang intimate scene ni Reina.

Sayang nga, gusto ko sanang matikman si Reina,” nangingiting sabi nito.

Na sinagot naman siya ni Reina ng, “Game.”

Nakakaloka sila debah?!

Anyway, sa Wanted: Girlfriend, sina Athena (Shiena) at Keo (Yuki) ay ilang taon nang magkarelasyon. Tuwing magkasama sila, agad na nagiging mainit at mapusok ang kanilang relasyon, na madalas ay sinisimulan ni Keo. Nag-aalala rito si Athena at napapaisip kung tunay ba ang nararamdaman ni Keo sa kanya, o isa lamang sexual relationship ang tingin ni Keo sa kanila. Kaya nama  igo-ghost ni Athena si Keo.

Labis na masasaktan si Keo at hahanapin si Athena. Ipo-post pa niya sa social media ang pakiusap na bumalik si Athena, ngunit walang mangyayari.

Pagkatapos ng isang taon, gusto na ni Keo na magkaroon ng bagong girlfriend. Makikilala niya si Anj (Reina), isang babae na babago sa kanyang buhay. Sa wakas ay nagsisimula nang mag-move on si Keo sa kanyang bagong girlfriend nang muli silang pagtatagpuin ni Athena ng tadhana.

Muling nai-in love si Athena kay Keo, na ngayon ay mas mature na. Pero, tila hindi na pareho ang nararamdaman ni Keo para sa kanya. Si Athena na ngayon ang may matinding kagustuhan na muling mapasakanya si Keo kaya gagawin niya ang lahat. 

Alamin kung ano ang mangyayari kapag pinagliyab ng nakaraan ang kasalukuyan sa Wanted: Girlfriendna streaming na sa Vivamax.

Ang isa pang dapat abangan ngayong Abril ay ang sexy-drama Vivamax Original Movie na bibida sina Micaela Raz, Mon Mendoza, Joana David, at Mhack Morales.

Kwento ng isang dalaga na labis kung magmahal pero madalas ay iniiwan, at ngayon ay nakatagpo na ng lalaking gustong makasama na pangmatagalan.

Abangan ang Red Flag, exclusively sa Vivamax sa April 26, 2024.

Kilalanin si Gina (Micaella), isang maganda at nakaaakit na dalaga, ilang buwan na siyang brokenhearted matapos niyang mahuli ang ex-boyfriend na nagtataksil sa kanya.  Pero kahit na ganoon ang sinapit, naniniwala pa rin si Gina sa pag-ibig at umaasa na balang araw ay makakatagpo siya ng lalaking tatratuhin siya ng tama.

Isang araw sa trabaho, makikilala ni Gina ang newly hired na si Red (Mon), gwapo at malakas ang appeal. Agad na magkakagustuhan sina Gina at Red at magsisimulang mag-date ang dalawa. 

Ang mga kaibigan naman ni Gina, pati na ang best friend niyang si Lance (Mhack) na matagal nang may gusto sa kanya, ay tutol sa bago niyang relasyon. Usap-usapan kasi na si Red, tulad ng pangalan niya, ay isang red flag – kilala ito ng marami bilang playboy at ginagamit ang sex para magkaroon ng maraming sales at kliyente sa trabaho. Pero hindi pinaniniwalaan ni Gina ang mga ibinibintang ng iba kay Red dahil nakita niya ang mabuting pagkatao ni Red na maalaga, masipag, at mapagmahal sa pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …