Wednesday , April 9 2025
init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

HANGGANG ngayon po ay pinagtatalunan pa rin kung dapat bang uminom ng malamig na tubig kapag galing sa matinding init.

         Ako po si Reynaldo Arizona, 48 years old, isang rider, kasalukuyang nainirahan sa General Trias, Cavite.

         Sabi ng iba, wala raw masama kung uminom ng malamig na tubig kapag galing sa matinding init. Ako po bilang rider, ay magbabahagi lang ng aking karanasan.

         Una po, ‘yung nangyari sa isang kasama namin, nagpahinga lang, pumasok sa isang convenience store para bumili ng tubig na malamig kasi ‘yung baon daw niyang tubig wala nang lamig.

         Sa madaling sabi po, uminom ng malamig na tubig, mayamaya biglang napaupo at kumaway sa amin, pulang-pula na siya at nakiusap na dalhin siya sa ospital. Mabuti na lang po may malapit na ospital. Ang sabi po sa ER, na-mild stroke daw. Simula po noon, naging aral sa amin iyon. Hindi na kami umiinom ng napakalamig na tubig lalo’t nasa labas kami. 

         Ang ginawa ko po, nag-share po ako sa kanila ng experience ng isang tagasubaybay at tagapakinig ninyo sa Kalusugan mula sa Kalikasan.

         Sabi ko sa kanila, ang importante pagkagaling sa init, lumilim lang muna, mag-sip muna ng kaunting tubig, hindi ‘yung mainit, hindi naman masyadong malamig, para mabasa ang labi at matubigan ang lalamunan.

         Dagdag ko pa, gagawin ito habang nagpapababa ng temperatura ng katawan. Makatutulong din ang pagpupunas ng basang bimpo na may suka sa mukha, sa leeg, at sa braso, para mas mabilis na maging pantay ang temperatura ng buong katawan.

         Kapag okey na ang temperature, ‘yan puwede nang uminom nang malamig na tubig  basta hindi masyadong malamig.

         Pero ini-share ko rin sa kanila ang kaigihan ng pag-inom ng maligamgam na tubig, gaya ng sabi ninyo Sis Fely. Sabi ko sa kanila, kapag uminom ng maligamgam na tubig, agad kayong papawisan at kapag pinapawisan kayo ibig sabihin lumalabas ang sobrang init sa loob ng katawan hanggang maging normal ang temperature. Pero kapag malamig na tubig hindi ito mangyayari hanggang mag-away ang init at lamig sa loob ng katawan kaya lalong nagkakasakit.

         Ngayon kung, duda pa rin kayo, pakiramdaman ninyo ang sariling katawan at iyon ang magtuturo sa inyo kung ano ang gusto niya.

         Kasunod nito, pinayohan ko rin sila na gumamit ng Krystall Herbal Oil para sa mabilis na pagbabalik ng regular na body temperature.

         Basta dapat tandan ang payo ni Ma’m Fely: tiyakin na laging regular ang inyong body temperature.

REYNALDO ARIZONA

General Trias, Cavite 

About Fely Guy Ong

Check Also

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

Grand rally FPJ Panday Bayanihan, dinagsa ng Bicol supporter

FPJ Panday Bayanihan Partylist, dinagsa sa Bicol

LIBO-LIBONG Bicolano ang dumagsa sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan …

TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula …

Victor Lim FFCCCII

Industrialist Victor Lim elected as new president of FFCCCII

MANILA, PHILIPPINES – The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) …

Marilao Bulacan Planta sangkap bomba NBI

Sa Marilao, Bulacan
Planta ng sangkap sa paggawa ng bomba sinalakay ng NBI

SINALAKAY ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tulong ng lokal na pulisya ang isang …