Sunday , December 22 2024
Ruru Madrid Black Rider

Action series ni Ruru pang-international na

RATED R
ni Rommel Gonzales

PATULOY ang shower ng blessing sa Black Rider lead star na si Ruru Madrid. Bukod kasi sa tuloy-tuloy ang magandang ratings ng serye ay wagi rin ang nasabing action-packed series sa ginanap na New York Festivals TV & Film (NYF) Awards. 

Nasungkit ng show ni Ruru ang Bronze Medal sa Entertainment Program: Drama category at inalay niya sa mga unsung hero.

Say ni Ruru sa kanyang socmed post: “This recognition is dedicated to all the unsung heroes and Filipinos facing life’s challenges. We share this New York Festival medal with you. Many thanks to the judges, Kapuso, and the entire nation for believing that we can all be heroes like Black Rider. Description: 🏍️ To GOD be the Glory! MABUHAY! Description: 🇵🇭  #TatakPublicAffairs”

Bongga talaga dahil pang-international na ang primetime series ni Ruru under GMA Public Affairs na nanalo ang lahat ng entries this year. 

Talaga namang nagbububunga ang hard work ng Kapuso actor na hindi naklilimot na ibalik ang papuri sa mga taong sumusuporta sa programa. Ngayon nga ay mas marami pang dapat abangan sa pagsisimula ng bagong digmaan kina ni Elias at ng mga kalaban. Marami ring dapat abangan gaya ng crossover ni Doc Analyn (Jillian Ward) ng Abot Kamay Na Pangarap at mga bagong karakter tulad na lamang ni Vivamax A-list actress Angeli Khang. Mapapanood din sa serye sina Lianne Valentin, Luke Conde, Epy Quizon, Madam Inutz,  William Lorenzo, Yul Servo, at Matet de Leon.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …