PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa Bulacan ang seguridad at kaligtasan ng mall-goers sa pamamagitan ng kanilang taunang Joint Tactical Inspection at General Assembly na isinagawa ng Customer Relations Services ( CRS) Department and Security Force sa Open Parking ng SM City Baliwag kamakailan.
Layunin ng Joint Tactical Inspection (JTI) na subukan ang administrative efficiency, training management, proficiency, at emergency response skills ng security force na nakatalaga sa SM Supermalls, SM Retail Group, at ang mga kaanib nito upang matiyak ang kaligtasan ng mga kostumer, empleyado, at mga nangungupahan.
Dumalo sa pasinaya at inspeksiyon ng performance ng security force sina Provincial Director ng Bulacan PPO, P/Col. Relly Bagasin Arnedo, at SM Head of Security Affairs, Almus Alabe, na nagtanim ng kahalagahan ng disiplina, pagkaalerto, at pagbabantay sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga kustomer at paghawak ng mga krisis at mga sitwasyong pang-emerhensiya.
Dumalo rin si AVP (OIC) para sa Customer Relations Services ng Shopping Center Management Corporation, Rafael Tejada; at AVP para sa Customer Relations Services ng Food and Retail Group, Victor Santiago.
Naroon din ang SVP, Head of Special Projects, Office of the President, Bien Mateo; ang SAVP para sa Mall Operations, Ms. Johanna Melissa Rupisan; at ang AVP para sa Mall Operations, Ms. Ana Datu.
Sa isinagawang Joint Tactical Inspection, ginawaran ng mga papuri ang seguridad at iba pang tauhan ng ahensiya dahil sa kanilang katapatan at pagiging mapagkakatiwalaan sa pagsasauli ng mahahalagang bagay na narekober sa mga parokyano ng mall.
Ang Joint Tactical Inspection ay isa sa taunang pagsasanay na inoobserbahan sa lahat ng SM Supermalls sa buong bansa na naglalayong suriin ang mga tauhan, pagsunod sa mga pamantayan at patakaran sa seguridad ng kompanya. (MICKA BAUTISTA)