Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Matthew dela Peña, 37 years old, isa po akong physical therapist, naninirahan sa Sta. Cruz, Maynila.

               Gusto ko lang pong i-share sa inyo na ako’y laking-lola kaya ako po’y pamilyar sa Krystall Herbal Oil at iba pang herbal products ng FGO.

               Kaya po ako nag-PT, kasi laki nga ako sa hilot. Mayroong kakaibang ‘magic’ ang kamay ng lola ko, dahil nakapagpapagaling siya ng pilay, sakit ng tiyan, usog, matinding sakit ng ulo dahil sa binat, pagpaanak, at iba pa.

Lalo na po nang makilala niya ang Krystall Herbal Oil na naging katuwang na niya sa kanyang panggagamot. Hindi po nagpapabayad si Lola, nanghihingi lang po siya ng barya na kapag naiipon na niya ay ibinibili niya ng pagkain para ibigay sa mga kapos-palad.

               Kaya hindi po ako nagtataka kung bakit tuwing 3:00 pm hanggang 6:00 pm ay may mga dumarating na nagpapagamot sa kanya, ‘yun daw ang oras na mabisa sa panggagamot.

               Madalas din po niyang ipayo sa mga nagpapahilot sa kanya na mag-stocks ng Krystall Herbal Oil sa kanilang mga tahanan, kasi marami itong naitutulong kung kalusugan ang pag-uusapan.

               Si Lola nga po, ang kanyang tsaa ay Krystall Nature Herbs, at ang kanyang vitamins ay Krystall Vit. B1B6. Sapat na po sa kanya ‘yun bilang maintenance para sa kanyang kalusugan. By the way, she’s 76 years old, still alive and kicking.

               Although magkaiba pokami ng methodology sa panggagamot, kapag mayroong naghahanap ng hilot ay inire-refer ko sa lola ko.

               Aba, nagugulat ako’t napapagaling niya. Sabi ko nga, “La, baka mawalan na ako ng pasyente hahaha!”

               Pero sabi niya, “Dapat gumamit ka na rin ng Krystal Herbal Oil at iba pang products, para makatulong sa career mo.”

               Nakatutuwa po talaga, kasi kapag binabanggit ko sa mga pasyente ko, ang agad nila isinasagot, “Naku, magaling talaga ‘yan! ‘Yan ang tunay na miracle oil!”

               Kaya kami po ay natutuwa dahil hindi kami napahihiya kapag inirerekomenda ang Krystall products. Thank you so much. Sis Fely, dahil malaking tulong ang inyong mga imbensiyon sa aming pamilya at sa aking mga pasyente.

               God bless po.

MATTHEW DELA PEÑA

Sta. Cruz, Maynila

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …