RATED R
ni Rommel Gonzales
MAGBABALIK muli ang magical adventure ni Tonton at ang Isla ng mga Alitaptap dahil ang award-winning fantasy film na Firefly, may libro na!
Ayon sa GMA Public Affairs Facebook page, mabibili na ang storybook version ng Firefly sa GMA Store, ShopeeMall, at Lazada for only P399.
Matagal nang inaabangan ang release ng storybook na isinulat ng renowned kids’ storybook writer na si Augie Rivera at illustrated by highly-acclaimed artist na si Aldy Aguirre. Base ito sa pelikulang Firefly na mula sa akda at screenplay ni GMA Public Affairs Assistant Vice President Angeli Atienza.
Umani ng parangal ang pelikulang ito na produced ng GMA Pictures at GMA Public Affairs – kabilang ang Best Picture, Best Screenplay (Anj Atienza), Best Director (Zig Dulay), Best Child Actor (Euwenn Mikael), at Best Supporting Actress (Alessandra De Rossi) awards mula sa first-ever Manila International Film Festival at sa 49th Metro Manila Film Festival.
Exciting news din para sa mga hindi pa nakakapanood o nais panoorin ulit ang adventure ni Tonton dahil ilalabas na ang pelikula sa streaming platform na Amazon Prime this coming April 30.